World Ranking ng Pilipinas sa Corruption Perception, Parang Bolang Tumatalbog Pababa ng Hagdan

Sabi ni Harry Roque, hindi raw masosolusyunan ang problema ng korapsyon overnight. Pero, noong November 2017, muling ipinangako ni Duterte mawawala na ang korapsyon sa gobyerno sa 2019.

corruption perceptions index 2017

Ayon sa report, kumapara noong 2016, mas lalong bumaba ang ranking ng Pilipinas sa 2017 global corruption perception index. Nakakuha lamang ang bansa ng 34 out of 100 points kaya naging pang-111 na tayo out of 180 countries. Noong 2016, nakakuha tayo ng 35 points at ang rank natin ay pang-101 out of 176 countries. Sinasabing ang Pilipinas, kasama ang Maldives at India ang pinaka-corrupt sa Asia Pacific.

Performance of Philippines in World Corruption Perception Index from 2012

Source: Transparency International

Ano ang Corruption Perception Index?

Ang Corruption Perception Index ay isang panukat na binuo ng Transparency International noong 1995 upang malaman ang estado ng korapsyon sa mga bansa. Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng opinion surveys at pagsipat ng mga eksperto. In general, ang korapsyon, sa konteksto ng Corruption Perception Index, ay ang maling paggamit ng kapangyarihan ng mga nasa posisyon sa gobyerno para sa pansarili nilang interes.

Gayun din, ang Corruption Perception Index ay ginagamit ng mga namumuhunan, mga analysts, at mga eksperto para masusing pag-aralan ang epekto ng korapsyon sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga mamamayan sa bansang ‘yon.

Pangakong napako na lamang ba?

Matapang ang mga binitawang pananalita ni Duterte noong kampanya: wawakasan nya ang korapsyon sa bansa. Kaya nga, marami ang napapaniwala nya at sya ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong May 9, 2016.
Ngunit, ang resulta ng datos tungkol sa korapsyon ay taliwas sa kanyang pangakong ito. In fact, obvious naman na hindi na-improve ni Duterte ang estado ng korapsyon dito Pilipinas. Mas lumala pa nga. So, ano ang inaasahan pa natin sa pangakong ito ni Digong? May bago na namang pangako, sa 2019 daw wala na talagang korapsyon.
Sagot ng bayan: WEH?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *