Tinanggal si Evasco. Iniwan si Aquino.

Tinanggal si Evasco. Iniwan si Aquino.

Ang galing ng Tatay Digong nyo. Kung sino ung may isyu ng korapsyon, sya pang iniwan. Tsk

Sinibak si Evasco sa NFA Council

 

Mukhang natapos na rin ang bangayan sa pagitan ng NFA Council at ng NFA. At ang natalo, si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr ng NFA Council.

Nagtrending kahapon ang pagkakasibak ni Evasco bilang head ng NFA Council. Ito’y ay na-announce ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ganun din, natanggal din ang Development Bank of the Philippines at pinalitan ng Department of Social Work and Development.

Ok na nga sana. At least, natapos na ang bangayan. Pero, may pumutok na balita kasabay ng pag-anunsyo na tinanggal na si Evasco.

NFA Rice para sa Eastern Visayas, Napunta sa Bulacan?

 

Ngunit, kasabay ng announcement ni Roque ay ang isang balita na nagsumite ng confidential memo si Evasco kay Duterte na inaakusahan si Jason Aquino ng pag-divert ng NFA rice para sa Eastern Visayas papunta sa mga piling rice traders sa Bulacan.

Ayon sa dokumento, walang pagsang-ayon ang NFA Council sa pagbebenta ng 10.4M kilos ng NFA rice sa piling rice traders sa Bulacan sa halagang 235M pesos. Ang desisyong ito ni Aquino ang dahilan kung bakit nabawasan ang stock ng NFA rice sa Eastern Visayas.

Bakit sa mga Rice Traders sa Bulacan Ibinenta ang NFA Rice?

 

Ayon sa dokumento, ibinenta ang NFA rice sa Mutya Rice Mill Bulacan, Labne Producers Coop, Mountain View MPC, at Balaong MPC. Ang posibleng rason, ayon kay Evasco, kung bakit sa apat na rice traders naibenta ang NFA rice, ay dahil sa taga-San Miguel, Bulacan ang asawa ni Jason Aquino.

Source: Rappler

Ganun din, sinabi sa memorandum ni Evasco na mayroong mga kahina-hinalang malaking bilang ng mga kooperatiba sa San Miguel, Bulacan na binigyan ng quota para mag-import ng bigas sa ilalim ng Minimum Access Volume (MAV).

Ngunit, 22 sa mga kooperatiba, ayon kay Evasco, ay hindi qualified dahil sa hindi sila financially fit para makapag-import ng bigas.

Tinanggal din daw ni Aquino ang mga NFA representatives sa mga ports kung saan inaasahang darating ang NFA rice. Ayon kay Evasco, ang utos na ito ni Jason Aquino ay hindi sumusunod sa ibinigay na guidelines ng NFA Council. Ang paglalagay ng NFA employee sa ports kung darating ang imported rice ay magsisiguro na mayroong transparency sa transaksyon.

Kung mayroong palang memo na nagsisiwalat ng mga posibleng maling gawain ni Jason Aquino sa NFA, bakit natanggal si Evasco at naiwan si Aquino?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *