Syjuco 17,000 Pesos Lamang ang Multa

syjuco plea bargain

Dahil sa pag-amin sa maling paggamit ng PDAF, dating Iloilo Rep. Syjuco pinagmulta ng P17,000.

Dating Iloilo Congressman Augusto Syjuco Jr. pinagmulta dahil sa di wastong paggamit  ng PDAF

Dahil sa umaming guilty sa di wastong paggamit ng kanyang P4.3M Priority Development Assistance Funds (PDAF), pinagmulta ng Sandiganbayan First Division si dating Iloilo Representative Syjuco at dating Department of Agriculture (DA) Regional Director Eduardo Lecciones Jr. ng tig-17,000 piso.

RELATED: Kapatid ng Manugang ni Duterte, Agriculture Undersecretary na!

Inaprubahan ng First Division ang plea bargain petition ng dalawa kaya bumaba rin ang kanilang kasong malversation at graft.

Mga multa ng dalawang sangkot sa kaso:

  • P10,000 dahil sa pandaraya sa kaban ng bayan
  • P1,000 dahil sa paglabag sa Government Auditing Code
  • P6,000 dahil sa pagkabigo nilang maging accountable officers sa ilalim ng Revised Penal Code

Ano ang kasalanan ng dating congressman?

Ginamit ni Syjuco ang kanyang posisyon bilang congressman para makuha ang 4.3M PDAF. Ang kanyang sariling foundation, Tagipusuon Foundation Inc., ang nakatanggap ng pondo.

Ngunit, ang perang natanggap ay di naman ginamit nang wasto dahil pinondohan nito ang kanyang sariling negosyong manukan.

Nakakaloka di ba? Puro sariling interest lamang lahat. Pero, nakalusot pa rin sa parusang pagkakulong dahil sa plea bargaining agreement.

Wala na rin namang civil liability ang dalawa dahil sa nabayaran na ng Tagipusuon Foundation ang balanse sa DA Regional Office noong December 31, 2018.

RELATED: Rice Imports Pwedeng Suspindihin ng DA

Madaling nakakalusot ang mga mandarayang tauhan ng gobyerno dahil na rin sa klase ng mga batas at pagpapatupad ng mga batas. May paraan ang mga ito na hindi magamit ng mga ordinaryong Pilipino, lalong lalo na ng mga mahihirap.

Kahit na ba naisoli na ang pera sa gobyerno, nakinabang pa rin si Syjuco ng ilang taon. Pagkatapos, nang mabuking, mas piniling mag-plea bargain kaya barya lamang ang multa.

 

Source:

Mercado, N. (2019, August 5). Former Iloilo rep fined P17,000 for PDAF misuse. Retrieved from Inquirer: Former Iloilo rep fined P17,000 for PDAF misuse