STL Operators OK Lang na mga Heneral – Duterte

stl operators afp pnp generals

Nagkabukuhan na. Kinakandili talaga ni Duterte ang mga STL operators.

Duterte: Walang masama kung mga heneral ang STL operators

Suportado ni Duterte ang mga heneral ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung sila man ay Small Town Lottery (STL) operators kung sumusunod sila sa batas.

Wala ring problema sa Pangulo kung may mga kaibigang milyonaryo ang mga heneral na ito at ginawa silang incorporator para makakuha ng prangkisa ng STL.

Un nga lang, nakiusap si Duterte na walang gapangan, pang-aapi, o pamimilit. Kung nanalo sila sa bidding sa malinis na pamamaraan, ok lang sa Pangulo.

Isa pang pakiusap ng Pangulo, bilang delikadeza, ilagay ang STL franchise nila sa ibang lugar kung saan di sila nakadestino o kaya ay magpadestino sila sa lugar kung saan wala silang STL operations.

RELATED: STL Corruption: Sangkot mga Dating Heneral

Matatandaang sinabi ni Senator Ping Lacson na nakopo ng mga heneral ng PNP at AFP ang mga prangkisa sa STL at sila ang di nagbibigay ng share ng kita sa gobyerno.

STL at Peryahan ng Bayan tinuligsa ni Duterte dahil sa korapsyon

Matatandaang noong August 5 ay tinuligsa ng Pangulo ang korapsyon sa STL at Peryahan ng Bayan dahil sa hindi sila nagbibigay ng share ng gobyerno sa kinita dito.

Sa isang speech sa Malacañang, sinabi nya, “STL, Peryahan ng Bayan. P***** — puro nakaw. Ang i-remit nila minus ‘yung kinukunan na nila.”

Kailangan nyang ipatigil ang operasyon dahil malala ang korapsyon. Matatandaang ipinatigil ni Duterte ang lahat ng operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa malawakang korapsyon sa ahensya.

Dali-dali namang ipinatupad ng awtoridad ang pagsasara ng higit sa 30,000 lotto outlets at iba pang gaming kiosks.

Pero, nagpatuloy ang operasyon noong July 31 matapos sabihin ng Malacañang na nadamay lamang ang lotto operations.

Nanatiling sarado ang Keno, STL, at Peryahan ng Bayan dahil di pa tapos ang imbestigasyon sa mga ito.

RELATED: STL ba ang Dahilan ng Pagtakbo ni Andaya Bilang CamSur Governor?

Mula 2017 hanggang 2018, nasa 4B piso ang di naibigay na share ng gobyerno ng ilang STL operators. Ayon naman sa PCSO, hinabol nila ang mga ito ngunit nagpalabas naman ng injunction ang ilang korte.

Pabago-bago ang isip ni Duterte. Noong isang araw, galit na galit sa mga STL operators. Then, another day, bati na nya sila. Ang totoo, governance by press release lang ‘tong rehimeng Duterte. Tsk

Sources:

ABS-CBN News. (2019, August 6). Duterte slams corruption in STL, Peryahan ng Bayan operations. Retrieved from ABS-CBN News: Duterte slams corruption in STL, Peryahan ng Bayan operations

Corrales, N. (2019, August 9). Duterte: Nothing wrong with PNP, AFP generals owning STL franchise. Retrieved from Inquirer: Duterte: Nothing wrong with PNP, AFP generals owning STL franchise