Naturingang Solicitor General Pero Di Sumusunod sa Batas?

Naturingang Solicitor General Pero Di Sumusunod sa Batas?

Integridad ang isyu ni Calida kay Sereno. Eh mas wala naman pala syang integridad, aba?!

40M Pesos Security Contract para sa Luneta at Paco Park Napunta kay Calida

 

Nakuha ni Solicitor General Jose Calida ang kontrata para sa pagpro-provide ng security guards at CCTV operators sa Luneta at Paco Park.

Sinasabing ang asawa ni Calida na si Milagros ang pumirma ng kontrata bilang Chairperson at President ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc. Nakapirma rin sa kontrata si National Parks Development Committee Executive Director Penelope Diaz Belmonte.

Ayon sa website ng Office of the Solicitor General, ang asawa ni SolGen Calida ay nagngangalang Milagros. Ganun din, sa biography ni Calida sa website, nakasaad doon na sya ay dating naging Chairman at Presidente ng VISAI at General Counsel ng Philippine Association of Detective and Protective Agency Operators, Inc.

Ang unang kontrata na nagkakahalaga ng 10M pesos ay napirmahan noong June 29, 2017 para sa 6 na buwang pagpro-provide ng security guards and CCTV operators. 37 security guards, isang detachment commander, dalawang deputy detachment commanders, at 4 CCTV operators ang nakapaloob sa nasabing kontrata.

Ang pangalawang kontrata ay nagkakahalaga ng 30M pesos kung saan ang VISAI ay magpro-provie ng 55 security guards, isang detachment commander, dalawang deputy commanders, at 10 CCTV operators sa loob ng isang taon. Ganun din, ang security agency ay magpro-provide ng canine service at mga karagdagang security personnel kung may emergency.

Kumikitang kabuhayan ang security agency ni Calida. Di kaya conflict of interest yan ha?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *