Pompee Laviña: Tinanggal sa SSS dahil may Issues pero In-appoint naman sa DOT

Pompee Laviña: Tinanggal sa SSS dahil may Issues pero In-appoint naman sa DOT

Sabi ni Roque, presidential prerogative daw ang re-appointment ni Pompee La Viña.

Pompee Laviña, DOT Undersecretary Na!

Matatandaang hindi na ni-renew ni Digong ang appointment ni Pompee sa Social Security System dahil sa mga issues na sangkot ang huli. Ngunit, kamakailan lamang ay ni-release naman ang appointment nya bilang bagong Department of Tourism Undersecretary.

Papalitan ni Pompee La Viña si Rolando Cañizal. Si Pompee ang tumayong socmed campaign strategist ni Digong noong 2016 presidential election.

Nasibak sa Pwesto si La Viña bilang SSS Commissioner

Noong February 2018, hindi na ni-renew ni Digong ang appointment ni La Viña sa SSS. At that time, hindi nagbigay ng rason ang Malacañang kung bakit nasibak si Pompee sa pwesto.

Ngunit, nagkaroon ng kontrobersya sa SSS dahil sa pagsasapubliko ni La Viña ng kanyang mga akusasyon laban sa ibang myembro ng SSS Commission. Ayon sa kanya, ginagamit ng ilang myembro ang kani-kanilang mga posisyon para sa pansariling interest.

Bakit Natanggal si La Viña bilang SSS Commissioner?

Corruption issues ang dahilan kung bakit di na-renew ang appointment ni Pompee. Ayon kay Harry Roque noong February, “The President has mentioned time and again that he will not tolerate even a whiff of corruption.”

Ayon kay Roque, “First, former Commissioner La Viña demanded a budget of P26 million to fund his ‘social media’ project with him as TV host.  This was denied.  He then requested for a budget of P1.6 million per month for a media advertising program which was also denied.”

Pangalawa, nag-request si La Viña na i-accredit ang 7 stockbrokers para hawakan ang SSS investments pero hindi ito pinayagan dahil hindi qualified ang mga brokers.

Pangatlo, may “vilification campaign” diumano si La Viña against sa 4 SSS executives. Dalawa ang nag-resign at ung isa ay consultant na ng DOF.

Ganun din, “Fourth, despite an ongoing investigation, Mr. La Viña called a press conference and spoke against these four executives.”

Sabi ni Roque noong Pebrero, “Again, let this be a reminder to all public officials that the President is serious in curbing corruption and has strong resolve to promote good governance.”

Bago pa man umupo si Digong bilang Pangulo, sinabi na nyang, “One whiff of corruption, you’re out!” Pero, bakit ibinalik sa gobyerno si Pompee La Viña?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *