PNP Gifts: To Receive or Not to Receive

pnp gifts albayalde

PNP gifts pinagkakaguluhan kung tatanggapin o hinde. Sabi ni Duterte, pwede!

Duterte to PNP: Tanggapin nyo ang mga regalo dahil sa pasasalamat o pagiging mapagbigay

Sa speech ni Duterte sa pagdiriwang ng 118th Police Service anniversary, sinabi nyang hindi suhol ang pagtanggap ng regalo kahit sinasabi ng batas na hindi pwede tanggapin. Kalokohan lang daw ang sinasabi ng anti-graft law.

RELATED: STL Operators OK Lang na mga Heneral – Duterte

Ayon sa Pangulo, alam naman na nagbibigay ng regalo ang pamilya kapag nasolusyunan ang krimen. Dapat tanggapin ang regalo.

Sagot ng kapulisan sa PNP gifts ni Duterte

Nagbigay ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa sinabi ni Duterte na walang kaso sa kanya kung tumanggap man ng regalo ang mga pulis.

Ayon sa kanila, nirerespeto nila ang sinabi ng Pangulo dahil sa may “better wisdom” ito sa sinabi nyang di masamang tumanggap ng regalo kung walang sangkot na korapsyon, pang-aapi, o abuso ng kapangyarihan.

Ngunit, sumusunod ang mga pulis sa panuntuan gaya ng RA 6713. Ayon sa batas, bawal humingi o tumanggap ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ng regalo, pabuya, pabor, utang, o anumang may halaga galing sa isang taong nabenepisyuhan dahil sa paggawa nito ng tungkulin.

Ayon sa PNP, sinasabihan na lang nila ang mga nagbibigay sa kanila na sa mga preso, barangay tanod, at volunteers na lamang ibigay ang anumang regalo o halaga.

Pinaalalahanan din nito ang mga pulis na paparusahan sila kung nahuli silang lumabag sa anti-corruption laws.

Mas pinaiigting nila ang kampanya sa paglilinis sa kanilang hanay at di sila nangingiming imbestigahan at kasuhan ang sinumang pulis na nahuling gumagawa ng ilegal.

Ayon sa datos ng PNP, 2,476 pulis na ang tinanggal sa serbisyo mula nang maging Pangulo si Duterte. 4,240 pulis ang suspindido, 493 ang ibinaba ang ranggo, 202 ang di pinasahod, at 45 pulis naman ang nasa ilalim ng restrictive custody dahil sa malalang kaso ng misconduct.

RELATED: PNP, Di Tutulungan ng US Congress Dahil sa Di Makatarungang Kampanya Laban sa Droga

Naunang nagtalumpati si PNP Chief Albayalde kesa kay Duterte sa pagdiriwang ng mga pulis. Ayon sa kanya, may mga pamamaraan silang inilagay para maiwasan ang korapsyon sa mga pulis bilang suporta sa kampanya ng Pangulo laban sa korapsyon.

Un nga lang, nung si Duterte na ang nagsalita, sinalungat lahat ng sinabi ni Albayalde hinggil sa korapsyon. Tsk tsk tsk

Kung talagang ibig ni Duterte na mawala ang korapsyon, bakit sasabihin nyang kalokohan lamang ang RA 6713 at pwedeng tumanggap ng PNP gifts? Peke kasi ang anti-corruption campaign ng Pangulo.

 

Sources:

ABS-CBN News. (2019, August 10). Not bribery? Duterte tells cops to accept gifts out of gratitude, generosity. Retrieved from ABS-CBN News: Not bribery? Duterte tells cops to accept gifts out of gratitude, generosity

Talabong, R. (2019, August 10). PNP rejects Duterte gift remark: We’re bound by law. Retrieved from Rappler: PNP rejects Duterte gift remark: We’re bound by law