Peter Lim: Itinuturong Drug Lord ng PDEA, Abswelto! Banggulo Nyo, Aba!

Peter Lim: Itinuturong Drug Lord ng PDEA, Abswelto! Banggulo Nyo, Aba!

Gumising naman kayo, aba! Ginagago na kayo pero pumapayag pa rin kayo?

Inabswelto ng DOJ si Peter Lim sa kaso tungkol sa droga

Napabalitang naabswelto ng Department of Justice (DOJ) si Peter Lim, isang negosyante sa Cebu, dahil sa mahinang testimonya ni Marcelo Adorco, isang big-time drug runner. Nauna pa dito, kinilala si Lim ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bilang supplier ng malaking halaga ng shabu. Si Peter Lim ang syang Peter Lim na nakitang kasa-kasama sa mga parties ni Duterte sa Cebu City noong 2016.

Sabi ng DOJ prosecutors, maraming pagkakasalungat at pabago-bago ang mga testimonya ni Adorco kaya hindi ito pwedeng isaalang-alang. Ayon sa panel of DOJ prosecutors, “Indeed, for evidence to be believed, it must proceed not only from the mouth of a credible witness but must be credible in itself as to hurdle the test of conformity with the knowledge and common experience of mankind.”

Ayon kay Adorco, nagkaroon ng transaksyon ang grupo ni Kerwin Espinosa kay Peter Lim noong February 2013 para sa 20 kilos ng shabu. Ganun din, nagkaroon muli ng apat na beses na transaksyon sa Cash and Carry sa Makati noong 2014. Sinabi rin ni Adorco na nakasama nya si Lim sa Thailand at nagkaroon sila ng at least 50 kilos na transaksyon ng shabu noong 2015.

Ang lahat ng salaysay na ito ay hindi binigyang pansin ng DOJ. Meron daw kasing pagkakaiba sa mga petsa at lugar ng pinangyarihan ng mga transaksyon. Matatandaang idinawit din ni Adorco si Senadora Leila de Lima sa droga.

Kumpirmado ng PDEA na si Peter Lim na nasa Drug Target List ay syang Peter Lim na Humarap kay Duterte

Noong July 2016, humarap si Peter Lim sa PDEA para linisin ang kanyang pangalan sa harap ni Duterte. Ito ay kinumpirma ni PDEA Regional Director Adzhar Albani.

Ayon kay Albani, si Peter Lim na humarap sa PDEA at kay Duterte ay minsan nang naimbestigahan ng Kongreso noong 2006 dahil sa koneksyon sa droga.

Noong Agosto 2016, kinumpirma ni PDEA Director General Isidro Lapeña na ang Peter Lim na humarap kay Duterte noong July ay syang Peter Lim na nasa listahan nila ng drug personalities. Ayon kay Lapeña, “Lim’s name is included in the updated list of targeted individuals linked to drugs that was submitted to President Duterte. The list is a product of regular intelligence workshops where PDEA and the Philippine National Police validate information about drug suspects. Upon validation, they will be the subject of future negation operations.”

Posibleng Nagsinungaling si Duterte tungkol kay Peter Lim

Ayon kay dating Solicitor General Florin Hilbay, posibleng nagsinungaling sa publiko si Duterte tungkol sa kaso ni Peter Lim. Ayon kay Hilbay, si Duterte ang nagpangalan kay Peter Lim bilang drug lord. Dahil sa pag-abswelto ng DOJ kay Lim, posibleng nagsinungaling si Digong o kaya walang matibay na ebidensya para idiin si Peter Lim bilang drug lord.

Ayon kay Hilbay, ang review na isasagawa ni Aguirre dalawang buwan matapos lumabas ang resolusyon ng DOJ na nag-aabswelto kay Peter Lim ay isang POLITICAL MOVE lamang. Ito ay tugon lamang sa galit ng publiko. Ganun din, ayon kay Hilbay, hindi dapat na-abswelto si Kerwin Espinosa dahil umamin sya under oath na sya’y isang drug dealer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *