Persida Acosta Ipinapasuspinde ng PAO Lawyers

persida acosta

Hala ka! Pati PAO lawyers nagrereklamo na laban sa hepe nilang si Persida Acosta!

PAO Lawyers ipinapasuspinde sa Ombudsman sina Persida Acosta at Erfe

Naghain ng reklamo ang mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Ombudsman laban sa kanilang hepeng si Persida Acosta at ang kanilang hepe sa forensics na si Erwin Erfe dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Sa isang pahayag na isinumite sa Office of the Ombudsman, inakusahan ng mga PAO lawyers sina Acosta at kanyang mga kaalyado ng pagpapatupad ng isang “systematic scheme” para dayain ang gobyerno sa pamamagitan ng pagdodoktor ng mga purchase orders para magkaroon ng pondo ang hepe.

Di nagpakilala ang mga abogado dahil natatakot silang gantihan ng kanilang inrereklamo. Ngunit, ayon sa kanila, kailangang agarang masuspinde si Acosta.

Ayon sa mga nag-aakusa, kahit na may reklamong inihain na si Wilfredo Garrido Jr. laban kina Acosta at Erfe, patuloy pa rin ang ginagawang “systematic scheme” para pagtakpan ang kapritsyoso, ilegal, at korap  na mga gawain hinggil sa budget ng ahensya.

Itinanggi naman ni Persida Acosta ang mga akusasyon. Parte lamang daw ito ng smear campaign laban sa kanya.

Ayon kay Acosta, maraming reklamo laban sa kanya ngunit di pa naman sya nasususpinde ng Ombudsman.

Pinapayagan naman ng korte ang pagsusumite ng statement of intervention na katulad ng pahayag ng mga PAO Lawyers.

Pwede namang anonymous ang mga reklamo. Pero, ayon sa rules, aaksyunan naman ang anonymous complaints kapag may mga sapat na impormasyon na pwedeng pagsimulan ng pagkilos.

Ayon sa pahayag, mga kasalukuyang empleyado ng PAO Central Office ang mga nagrereklamo. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, pag-aaralan nila ang reklamo.

RELATED: Acosta, Umaming si Duterte ang Nag-utos na Murder ang Isampang Kaso sa Dengvaxia

May mga anonymous complaints na mayroong kasamang mga dokumento na nakakatulong para sa pagsisimula ng imbestigasyon. Kung wala, mahihirapan ang Ombudsman na magsiyasat.

Hindi pa naman umaabot kay Martires ang graft complaint na inireklamo laban kay Acosta.

Matatandaang inireklamo ni Garrido noong Mayo sina Acosta at Erfe dahil sa nagtayo sila ng PAO forensic laboratory nang walang awtorisasyon ang Congress. Sinang-ayunan din ito ng mga PAO lawyer.

Ayon sa mga abogado, mayroong mga tapat na certified public accountant si Acosta na kasama rin nya sa kanyang relihiyon. Ang mga ito, kasama ang officer-in-charge ng finance, ay mga tapat sa PAO chief at nakagawa sila ng sistema para malipat ang pondo ng ahensya direkta sa kanilang hepe.

Noong Hulyo, tinawag ng pansin ng Commission of Audit (COA) ang PAO dahil sa sobra sobrang office supplies na nagkakahalaga ng 13.1 million piso.

Ngunit, ayon sa ahensya, bumili sila ng maraming supplies dahil sa maraming reklamo tungkol sa Dengvaxia.

Ayon din sa source ng Inquirer, di naman talaga ibinili ng supplies ang pondo. Ganun din, ang mga abogadong nagreklamo ay kasama sa mga meeting ni Acosta kung saan sinabi nya kung paano nya malulusutan ang mga kaso nya.

Nasa pahayag din ng mga abogado na pinirata ni Persida Acosta ang isang dating COA auditor na syang nagsisilbing tagapamagitan ng PAO at COA.

Ayon din sa reklamo, ginamit nina Acosta at Erfe ang pondo ng PAO para sa mga rally ng mga magulang na diumano ay biktima ng Dengvaxia.

RELATED: Paanong Sinira ni Persida Acosta ang Tiwala ng Mga Pilipino sa Bakuna?

Hinihiling ng mga abogado na agarang suspindehin sina Acosta at Erfe para mapigilan ang pagwasak ng ebidensya laban sa kanila.

Tingnan mo nga naman ang karma. Akalain nyong mga abogado pa ng PAO ang magdidiin kay Persida Acosta at Erwin Erfe. Sana umaksyon agad ang Ombudsman.

 

Source:

Chiu, P. M. (2019, August 15). PAO lawyers ask Ombudsman to suspend chief, forensics head. Retrieved from Inquirer: PAO lawyers ask Ombudsman to suspend chief, forensics head