Pera Pera Lang Talaga: UK Nagbenta ng Spying Gear kay Duterte

Buking na! Nagbenta ng surveillance tools ang UK sa rehimeng Duterte!

Inakusahan ni British Labour MP Lloyd Russell-Moyle ang sarili nyang gobyerno ng pagbebenta ng hi-tech spying equipment na nagkakahalaga ng £150,000 noong July 2016. Ang mga spy gear ay ginagamit ni Duterte para usigin at patayin ang mga drug dealers at addicts.

Kasama sa mga spying equipment ay ang IMSI-Catchers na ginagamit para mag-wiretap ng mga usapan sa telepono, at sumubaybay sa mga kaganapan sa internet. Maging si Digong ay umamin na pinayagan nya ang pag-wiretap sa mga “narcopoliticians”, kasama na si Reynaldo Parojinog na dating mayor ng Ozamiz City.

Ayon kay Russell-Moyle, ang pamahalaan ng UK ay nagiging kasabwat ni Duterte sa pagpatay ng libo-libong Pilipino. Ang pag-export ng mga spying gear ay isang paglabag sa batas ng UK kung saan binabawalan ang gobyerno na payagan ang pag-export ng mga kagamitang pwedeng gamitin sa paglabag ng karapatang pantao.

Noong July 2016, alam na ng buong mundo ang intention ni Duterte na maging brutal sa mga taong iniuugnay nya sa droga. Maski ang mga human rights watchdogs ay nagpahayag na ng pagkaalarma sa planong ito ni Digong.

Muntik na rin ang Canada sa Helicopter Deal

Noong February 7, inanunsyo ng gobyerno ng Canada na kanilang susuriin ang kontrata ng Pilipinas para sa pagbili ng 16 Bell helicopters na nagkakahalaga ng humigit kumulang US$235 million. Ang mga helicopters ay bibilhin sa Canadian Commercial Corp, isang kumpanya na pinapatakbo ng Canadian government.

Ayon kay AFP spokesman Arsenio Andolong, ang mga helicopter ay gagamitin para labanan ang terorismo at para na rin sa humanitarian and disaster response missions. Ikinababahala ng Canada na magamit ang kanilang helicopters para labanan ang mga local insurgents and Islamic militants.

Maraming human rights group sa Canada ang tumuligsa sa helicopter deal na ‘to. Gusto nilang magkaroon muna ng human-rights assessment ang gobyerno nila bago pumayag sa pagbebenta ng mga helicopter na ‘to sa Pilipinas.

Epekto sa mga Pilipino

Unang una, nagpapatunay na pera-pera lang talaga ang laban. Kahit naman sa ibang bansa, kung may trade embargo or economic sanctions, kadalasan nagpe-fail pa rin kasi may nakakalusot talaga. Although wala pang economic sanctions sa ating bansa ngayon, ganito ung mangyayari rin. Ma-empower lalo si Duterte kung may mga pasaway na di sumusunod.

Pangalawa, it is a worldwide effort. Kailangan ng check and balance. Ung mga human rights groups sa iba’t ibang bansa must push their governments to act para matigil na ang mga paglabag sa karapatang-pantao sa ating bansa.

At higit sa lahat, kailangan ng kooperasyon ng mas maraming Pilipino. Let us not tolerate human rights violations. Speak up! Hold everyone in the government accountable. Walang tutulong sa Pilipino, kundi mga Pilipino rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *