Palusot.com ang PLLO tungkol sa Overpaid Consultants

Palusot.com ang PLLO tungkol sa Overpaid Consultants

Sobrang incompetent and ignorant ang mga tauhan ni Duterte. Grabeh!

Wala raw Utos ang COA na Isoli ang Nagastos para sa Consultancy Services

Idinepensa ng Presidential Legislative Liaison Office ang desisyon nitong mag-hire ng consultants na ayon sa COA ay pwedeng gawin ng regular employees ng ahensya.

Matatandaang sinabi sa 2017 COA report na 3.07M pesos ang naibayad sa 9 consultants na ang trabaho ay pwedeng gawin ng regular employees. Ang mga consultants ay gumagawa ng trabaho ng liaison and public relations officers, nag-review ng speeches ng head ng PLLO, nag-manage ng databases, nagbibigay suporta sa kampanya ng gobyerno para sa Federalism, at tumatayong mga executive assistants.

Ngunit ayon sa PLLO, the “engagement of professionals and human resource of varied capacities and skills sets dedicated to specialized policy studies and technical assistance work, where trust and confidence are of the utmost consideration as well, was deemed necessary.”

Dumami rin daw ang coordinated activities ng ahensya kaya dumami rin ang paper work at administrative duties. Dahil dito, nag-hire ng additional people ang PLLO. Ganun din, nag-comply na raw ang PLLO sa lahat ng recommendations ng COA.

Fake News ang Rappler?

Dumale naman ang PLLO. Nagpalabas ng statement: “We at the PLLO find it unfortunate that a recent Rappler news article published online that reported on the hiring by the PLLO of alleged overpaid consultants are (sic) sadly misleading and appears to be pregnant with malice, failing to take into account PLLO’s side of the story.”

Dagdag pa nito, “We lament that Rappler ’s story is tantamount to spreading FAKE NEWS.”

Pero, ayon sa Rappler, hindi lang naman sila ang nagpalabas ng ganitong story. Nagsulat din ang Inquirer, Manila Standard, GMA News Online, at Malaya Business Insight tungkol dito.

Sabi ni PLLO Undersecretary Gerard Salapantan nung tanungin ng Rappler bakit sila na-single out, “Because you were the first to report it, as far as we know.”

Akala raw ng PLLO eh kinopya lang ng ibang news agencies ang report mula sa Rappler. Pero, ayon sa Rappler, naunang mag-publish ng story ang GMA News Online at sumunod ang Rappler isang oras matapos ang publication ng GMA News Online.

Ganun din, sabi ng Rappler, “The sequence of publishing stories also does not have any bearing on the truthfulness or accuracy of a report.” Ang COA ang nag-post ng 2017 PLLO Audit Report sa kanilang website at na-pick up lamang un ng lehitimong media.

Hindi na-inform ang PLLO na COA ang nag-release ng audit report sa website nito. Hindi rin nila alam ang tamang proseso sa pagsulat ng news ng lehitimong media. Isang malaking katarantaduhan ang isipang nagkokopyahan lamang ang news reporters.

Palibhasa, sanay na sanay ang mga chuwariwap ni Duterte sa chismis at pag-aakusa ng walang basehan. Lutang na lutang ang kakulangan sa kaalaman talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *