Ombudsman: Di Namin Iniimbestigahan Ang Pondo sa Flood Control Projects

Ombudsman: Di Namin Iniimbestigahan Ang Pondo sa Flood Control Projects

Eggzoited lang mechadow si Andaya!

Martires Itinangging Iniimbestigahan ang Flood Control Scam

Itinanggi ni Ombudsman Samuel Martires na iniimbestigahan ng opisina nya ang insertions sa 2019 national budget para sa flood control projects.

Sinabi kasi ni House Majority Leader Rolando Andaya na nakapansin ng red flags of corruption ang Ombudsman sa mga ebidensya at testimonya sa congressional hearing na may kinalaman sa Casiguran, Sorsogon projects.

Ayon kay Martires, nangangalap lamang sila ng mga dokumento base sa privilege speech ni Andaya at ni Senator Ping Lacson.

Di rin naman matukoy ni Martires kung mag-iimbestiga ang opisina nya o hindi tungkol sa flood control control dahil confidential daw ang operations ng Field Investigation Office nila.

Wala rin daw “red flag” dahil kulang pa ang kanilang kaalaman tungkol sa isyu.

Pero, kinumpirma nyang inutusan nya ang isa nyang tauhan para humingi ng kopya ng speech at iba pang materyales kay Andaya sa pamamagitan ng Secretariat of the Committee on Rules.

Di rin daw tama na sabihin ni Andaya na ang Ombudsman ang humiling ng kopya dahil isang Mr. Baquiran ang nag-volunteer na magbigay nito.

Hinihikayat ni Martires na tapusin na ni Andaya ang imbestigasyon para makapagsampa na ang huli ng kaukulang reklamo sa Ombudsman.

Hindi dapat idamay ang Office of the Ombudsman sa girian nina Andaya at Ben Diokno.

Nakakaumay na si Andaya. Kung wala naman syang kakasuhan matapos ang imbestigasyon nya, mas mabuting manahimik na lamang sya. Kumusta nga pala ung 4.3B pesos na budget insertions nila ni Arroyo?

 

 

Source:

Roxas, J. (2019, January 10). Martires denies Ombudsman probe into multi-million-peso ‘flood control scam’.

Retrieved from GMA News Online: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/681017/martires-denies-ombudsman-probe-into-multi-million-peso-flood-control-scam/story/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *