OFW Department: 19B Pondo ang Posibleng Mawala

ofw department

Magtatayo ng OFW Department pero may takot na mawala ang 19B pisong pondo.

Drilon: Baka mawala ang 19B pisong pondo kapag itinatag ang OFW Department

Nababahala si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagtatayo ng bagong departamento para sa overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa posibleng mapasakamay ng mga politiko ang 19B pisong OFW Trust Fund.

RELATED: COA to Cayetano: Bakit Di Ibinigay ang Pera para sa mga OFWS?

Sa organizational meeting ng Senate labor committee at labor officials, naguluhan sina Drilon at iba pang senador kung bakit nagbago ang paninindigan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagkakaroon ng OFW department.

Tinanong ni Drilon kung may kinalaman ang 19B pisong trust fund sa pagtatayo ng Department of Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Overseas Workers Welfare (OWWA) Deputy Administrator Vivian Tornea, nasa 19.4B piso ang trust fund para sa OFWs kada taon.

Sa ilalim ng planong Department of OFW, ang mga ahensyang may kinalaman sa kanila ay pagsasama-samahin sa iisang ahensya.

Ayon kay Drilon, inaasahang lalago ang trust fund sa 40B piso sa susunod na 10 taon.

Ang trust fund ay mga kontribusyon ng OFWs na nasa ilalim ng OWWA at nasa pangangalaga ng Board of Trustees na kasama ang mga hepe ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM), at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa paggawa at mga ahensyang may kaugnayan sa OFWs.

Ang pondong ito ay katulad ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na pwedeng kuhanan ng pondo ng mga OFW na nangangailangan.

Ang Kongreso ang nagtalaga ng Board of Trustees para sa OFW fund na ‘to. Kung magkakaroon ng OFW department, ang mamumuno ng nasabing ahensya na ang magkakaroon ng kontrol sa pondo. Hindi na ito masusuri ng Kongreso.

Ganun din, ang paghihiwalay ng departamento para sa mga OFW ay nagpapatunay na bigo ang gobyerno na pauwiin ang mga ito at bigyan ng hanapbuhay sa bansa.

Ang konklusyon dito ay walang kakayahan ang DOLE na protektahan ang mga OFW. Hindi naman payag si Drilon dito dahil may kakayahan ang ahensya.

RELATED: Cayetano: Nasaan na nga ba ang 1B pesos OFW Fund?

Idedepensa ni Drilon ang DOLE sa kakayahan nitong protektahan ang mga OFW. Sinabi nya ito kay Presidential Adviser on Overseas Filipinos Abdullah Mama-o na sumusuporta sa pagtatatag ng bagong departamento.

Walang matibay na dahilan para magtatag ng OFW department. Kailangan lamang ayusin ang kasalukuyang sistema para mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga overseas Filipino worker.

 

Source:

Ramos, C. (2019, August 28). Drilon fears loss of P19B fund if OFW department created. Retrieved from Inquirer: Drilon fears loss of P19B fund if OFW department created