NYC: Masarap bang Kumain nang Libre?

Nagpalabas na ng report ang COA, almost 300k pesos ang ginastos sa pagkain sa meetings na karamihan ay unofficial pa.

Unofficial Meetings therefore Disallowed Meals and Snacks

Ayon sa 2017 COA report, 268,068.55 pesos ang nagastos ng National Youth Commission sa meals and snacks sa 112 unofficial meetings.

Ayon sa report, “The PCVs (petty cash vouchers) for payment of meals and snacks served during the meeting and related activities were without the duly signed ‘Notice of Meeting’ or ‘Office Orders’ issued for that purposes.”

Since walang “Notice of Meeting”, hindi awtorisado ang nasabing pagpupulong. Sa “Notice of Meeting” kasi nakalagay ang rason kung bakit may meeting at kung sino sino ang kasama dun.

Walang Irregularities sa Paggastos?

Hibangers na yata si NYC OIC Assistant Secretary Ronald Cardema. Ayon sa kanyang press statement, “It is very clear in the Commission on Audit Report that there are no irregularities in the utilization of NYC’s funds.”

Sa komento ng NYC sa COA, sinabi nitong [it] “agreed to strictly observe prudence in the use of government funds by ensuring that meals and snacks will only be served during authorized meetings and activities.”

Dagdag pa ni Cardema, sinagot na ng National Youth Commission ang mga issues ng COA ayon sa Audit Observation Memoranda.

Kahit nasagot na, meron pa ring kakulangan in the first place. Kung walang supporting documents, hindi dapat pinapayagan ang paggastos. Maliwanag naman yan sa COA rules, di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *