NFA Palay sa Suki at Di sa Farmers Binibili

nfa palay

NFA palay di binibili sa magsasaka kundi sa suki. Pahirap talaga ‘tong gobyerno sa mahihirap.

DA pinapabili sa magsasaka ang NFA palay

Ayon sa Department of Agriculture (DA) spokesperson Noel Reyes, iniutos ni DA Secretary William Dar kay National Food Authority (NFA) Administrator Judy Dansal na ibenta na ang mga nakaimbak na imported rice para may pondo ang ahensya na bumili ng mas maraming palay sa local farmers.

RELATED: Rice Imports Pwedeng Suspindihin ng DA

Di dapat nakaimbak ang mga bigas nang matagal samantalang pwede naman itong ibenta sa mga pamilihan.

Inamin naman ni Dansal sa hearing ng Senate Committee on Agriculture and Food na may 290,000 metric tons (MT) ng imported rice ang di pa naibebenta. Ito ay katumbas ng 4M 50-kg sacks.

Ngunit, nilinaw naman nya na nasa mabuting kondisyon ang mga nakaimbak na bigas sa mga warehouse nito.

Bumili ang NFA ng 1.2M MT na bigas noong isang taon para maparami ang stock nito.

Ayon din kay Reyes, may “suki trading system” ang nasabing ahensya. Bumibili sila ng NFA palay sa malalaking trader at hindi sa mga magsasaka.

Inatasan na ni Dar na ayusin ito ni Dansal sapagkat dapat sa mga maliliit na magsasaka bumili ng palay at di sa mga suki.

Babantayan ng DA ang NFA sa kanilang pagbili ng palay at pagbebenta ng murang bigas sa mga pamilihan.

Plano ng ahensya na bumili ng NFA palay sa halagang 17 piso kada kilo. Ibig sabihin, di na ipagpapatuloy ang insentibo na ipinatupad noong October 2018 kung saan bumili ng palay ang ahensya sa halagang 20.70 piso kada kilo mula sa mga farmer cooperatives at 20.40 piso kada kilo sa mga individual farmers.

Matatandaang bumagsak na sa 12 piso kada kilo sa ilang probinsya ang halaga ng palay. May 300 buying stations ang NFA sa buong bansa kung saan pwedeng magbenta ang mga magsasaka ng kanilang ani.

Ayon sa RA 11203 o Rice Tariffication Law na naipasa noong February 2019, kailangang may stock ang NFA ng bigas na pwedeng makasustine sa pangangailangan sa loob ng isang buwan, base sa daily consumption requirement (DCR) para sa mga emergency at kalamidad sa buong bansa.

RELATED: RICE TARIFF EPEKTIBO NGA BA?

Sa ngayon, may 4.5M sacks ng bigas ang naturang ahensya at 6.4M bags ng palay. Katumbas ito ng 8.5M bags of rice na tatagal ng 13 araw, base sa DCR na 651,860 sacks sa buong bansa.

Ang direktiba ni Duterte ay sa mga farmers bumili ng NFA palay. Bakit sa suking traders bumibili ang naturang ahensya? Paki-explain. Lab yu!

 

Source:

Gomez, E. (2019, August 30). Sell imported rice, DA orders NFA. Retrieved from Manila Times: Sell imported rice, DA orders NFA