Napoles: Bakit Nakapagpyansa si Jinggoy?

napoles

Kung si Jinggoy ang  main plunderer, tanong ni Napoles: Bakit sya nakapagpyansa?

Napoles nagtatanong kung bakit nakapagpyansa si Jinggoy Estrada

Tinanong ni Janet Lim Napoles ang Sandiganbayan kung bakit  nakapagpyansa si Jinggoy samantalang ang huli naman ang sinabi nilang main plunderer sa kaso nila.

Sinubukan ng mga abogado nya na ma-dismiss ang kaso nila ni Jinggoy dahil ayon sa kanila wala namang main plunderer sa kaso nila ng pandarambong.

RELATED: Ano ang Pagkakapareho nina Jinggoy at Imee Marcos?

Ngunit ayon sa fifth division ng Sandiganbayan, di naman kelangang maging hayag ang main plunderer dahil awtomatiko namang ang public official ito.

Matatandaang bigo ang mga tagausig na kilalanin si Estrada bilang main plunderer kaya nakapagpyansa ito.

Nagsumite ng motion to dismiss ang lead counsel na si Roni Garay dahil sa di tugmang desisyon ng Sandiganbayan nang ideklara nitong main plunderer si Estrada na salungat naman sa desisyon nitong payagang magpyansa si Jinggoy.

Pilit na binabanggi ng kampo ng nasasakdal ang plunder case ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan hiniling ng korte ang pagkilala sa main plunderer dahil sa lahat ng sangkot ay mga opisyal ng gobyerno.

Ayon sa press release ng kampo ng nasasakdal, sinabi nito na nakapagpyansa si Jinggoy dahil sa resoluyon ng Sandiganbayan na nagsasabing di naman kinilala ito bilang main plunderer.

Ang mga demurrer to evidence at iba pang mosyon ay nakabatay dito. Ayon sa mga abogado, hiniling ng Korte Suprema sa isang plunder case na sangkot si Arroyo na kilalanin ang main plunderer.

Sinuspinde naman ng Fifth Division ang hearing.

RELATED: Napoles at Ibang Sangkot sa Malampaya Scam Lilitisin Na!

Matatandaang kasama si Napoles sa kinasuhan dahil binigyan nya si Estrada ng 55.79M pisong kickback matapos bigyan ng huli ng share sa kanyang Philippine Development Assistance Fund (PDAF) ang mga sinasabing pekeng foundation ng una.

Digital ang karma, promise. Abangan natin ang sagot ng Sandiganbayan sa tanong ni Napoles sa Lunes.

 

 

Source:

Lalu, G. P. (2019, September 9). Napoles asks Sandiganbayan: Why is Jinggoy out on bail? Retrieved from Inquirer: Napoles asks Sandiganbayan: Why is Jinggoy out on bail?