Napoles at Ibang Sangkot sa Malampaya Scam Lilitisin Na!

Napoles at Ibang Sangkot sa Malampaya Scam Lilitisin Na!

Pero abswelto na dati pa si Trudis Liit.

Tuloy na ang Paglilitis kina Napoles sa Malampaya Scam

Ibinasura ng Sandiganbayan ang lahat ng mosyong isinampa ng mga sangkot sa 900M pesos Malampaya fund scam dahil sa kakulangan ng merito.

Ayon sa 3rd Division ng Sandiganbayan, sa Byernes, January 18, ang arraignment ng mga sangkot sa graft at malversation of public funds.

Mga may kasong kriminal sa Malampaya Fund Scam:

  • Janet Lim Napoles
  • Christopher Napoles
  • Jo Christine Napoles
  • Dating DBM Secretary at ngayo’y 1st District Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr.
  • Dating Dept of Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman
  • Dating DAR Undersecretary Narciso nieto
  • Dating DAR Director Teresita Panlillo
  • Dating DAR Chief Accountant Angelita Cacananta

Ang kaso ay nag-ugat sa paggamit ng 900M pesos mula sa Malampaya fund para sa bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Binigyan ng awtorisasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Andaya na ilabas ang nasabing pondo sa Department of Agrarian Reform sa pamamagitan ng EO No. 848.

Un nga lang, ang pera ay napunta sa higit na 13 NGO na pinapatakbo ni Napoles imbes na mapunta diretso sa mga komunidad na apektado ng mga nasabing bagyo.

Ayon sa Sandiganbayan, may legal basis ang mga kasong kriminal ng mga sangkot.

Matatandaang sinampahan ng graft at malversation cases ang mga sangkot ng Office of the Ombudsman noong December 2017.

Papanagutin ang lahat ng nagkasala at di lamang ang mga taong walang kapangyarihan para makaligtas sa kaso! Wag na sana maulit ung nangyari sa kaso ni Bong Revilla!

 

 

Source:

Rappler. (2019, January 13). Napoles, ex-officials to be arraigned over Malampaya scam.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/220900-napoles-dbm-dar-officials-to-be-arraigned-malampaya-fund-scam

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *