Nandugas nga ba ang Grab sa Pagdagdag ng 2 Pesos per Minute Charge sa Pasahero

Nandugas nga ba ang Grab sa Pagdagdag ng 2 Pesos per Minute Charge sa Pasahero

Kaya pala sobrang laki ng difference ng fare ng Grab sa Uber. Tsk tsk tsk

Pinagpapaliwanag ng LTFRB ang Grab Philippines

Sinabihan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Grab Philippines na magpaliwanag sa diumano’y illegal na pagdadagdag ng 2 pesos per minute travel charge. Kailangang magpaliwanag ang Grab sa loob ng 5 araw kung bakit hindi ito dapat suspindihin o kanselahin ang lisensya.

Source: Rappler

Ano ang Akusasyon ni PBA Representative Jericho Nograles?

Ayon kay Congressman Jericho Nograles, nagpapataw ng dagdag na travel charge ang Grab nang di naman aprubado ng LTFRB.

Ayon sa LTFRB, pinayagan lamang nito ang Grab na sumingil ng 40 pesos flag-down rate at karagdagang 10 pesos hanggang 14 pesos per kilometer travel. Ganun din, ang surge pricing ay hanggang doble lamang ng pangkaraniwang pamasahe.

Ayon naman sa Grab, walang hearings na naganap para sa 2 pesos per minute travel charge, ngunit pinaalam nila sa LTRFB ito.

Ayon kay Grab spokesperson Leo Gonzales, “[W]e corresponded with the LTFRB to present these changes and was given the opportunity to present in full our business model, supply and demand models, and pricing structure during one of the Technical Working Group meetings in late July 2017.”

Dagdag pa ni Gonzales, ang karagdagang travel charge ay naisipan para magkaroon ng “greater chance of making ends meet” ang mga driver nito dahil sa sobrang trapik sa Metro Manila.

Wag Isama ang mga Drivers sa Parusa

Ayon kay Nograles, “The show-cause order for Grab to appear before the en banc Board will allow Grab to prove the legality of the charges they imposed without knowledge of the drivers and riders. If ever the Board sanctions Grab, I hope that they will spare the innocent drivers of the refund and penalties.”

Ayon din kay Grab driver Winson Esteras, Ang balik noon sa amin eh, sa aming mga driver na bumibiyahe sa Metro Manila, sa amin kukunin ‘yun. Hindi lang naman sa mga TNC. Dapat hindi na niya pinapakiaalaman dahil ang government agency na kumakatawan sa transportation is LTFRB na pumayag sa per minute na pamasahe.”

Pero, ayon naman sa LTFRB, hindi awtorisado ang pagpapataw ng karagdagang travel charge.

Kaya pala malaki ang itinaas ng presyo ng pamasahe sa Grab simula last year. Malaki rin ung unauthorized 2 pesos per minute travel charge nila ha? Kung 30 minutes ung travel time, karagdagang 60 pesos na agad un.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *