Naisoli na ba ng Supreme Court ang Buong 8.6M Pesos sa World Bank?

Naisoli na ba ng Supreme Court ang Buong 8.6M Pesos sa World Bank?

Napa-research tuloy ako kasi nag-trending sa Facebook newsfeed ko ang matagal ng isyu. Naresolba na po ba ito?

8.6M Pesos Pinapasoli ng World Bank

Ginugol daw ng Supreme Court ang 8.6M pesos sa ineligible activities at projects na hindi sakop ng loan agreement kaya pinapasoli na lamang ng World Bank ang nasabing halaga.

Sa isang liham ni Matthew Stephens na syang acting World Bank country director noong 2012 kay Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro na syang head ng Judicial Reform Support Project Management Committee, sinabi ni Stephens na may pitong concerns at issues ito sa paraan ng paggamit ng Supreme Court sa loan na ibinigay ng World Bank noong 2003.

Ayon sa findings ng team ni Stephens, 53% ng 133 transactions na nagkakahalaga ng 233.8M pesos ay ineligible. Ibig sabihin, ginastos ng Supreme Court ang pera nang di naaayon sa procurement plan na pinagkasunduan ng World Bank at Supreme Court.

Ayon sa World Bank, karamihan ng ineligible funds ay ginamit sa pagbili ng laptops na nagkakahalaga ng mahigit sa 2M pesos. Ganun din, at least 200,000 pesos ang ginastos sa airfare ng mga opisyales ng Supreme Court.

Ano ang Kinalaman ng Prestige Travel Inc at ni Estelito Mendoza sa Nasabing Inelgible Expenses?

Nadiskubre na binayaran ng Supreme Court ang Prestige Travel Inc para sa 3 byahe. Ayon sa World Bank, ang chairman ng Prestige Travel Inc ay si Atty. Estelito Mendoza.

Ang tatlong byahe na binayaran ng World Bank sa Prestige Travel Inc ay ang mga sumusunod:

  • Byahe ng isang “L.D.” sa Jakarta, Indonesia noong March 13-16, 2011 para sa Asia Pacific Regional Conference of the International Association for the Court Administration
  • Limang opisyales ng Supreme Court para sa byahe sa Cebu noong March 18, 2011 para sa pagbibigay ng honorary degree sa isang senior official ng Supreme Court ng Justice of the Unified Judiciary of Guam ng University of Cebu
  • Isa pang byahe ng isang judge at isang senior official ng Supreme Court noong May 5-7, 2011 sa Sydney para sa Internataional Commercial Law Conference

Ano ang Kinalaman ng Office of the Court Administrator sa Ineligible Expenses?

Ayon sa team ng World Bank na nag-imbestiga, 16 sa ineligible expenses ay related sa Office of the Court Administrator na syang pinamumunuan ni Jose Midas Marquez.

Ganun din, ayon pa rin sa World Bank, as of November 2011, 6.9M pesos pa ang hindi naibabalik sa World Bank na parte ng 8.6M pesos na ineligible expenses.

Ano ang Judicial Reform Support Project?

Ang Judicial Reform Support Project ay isang proyekto ng Supreme Court na pinondohan, in part, ng utang sa World Bank na nagkakahalaga ng US$21.9M para gawing mas mahusay ang pagbibigay ng hustisya sa bansa.

Ayon sa aide memoire noong December 28, 2011, simula noong maging Chief Justice si Corona, naging unsatisfactory ang pag-usad ng judiciary reforms dahil sa pagkakaantala ng implementasyon ng mga proyekto at mga dagdag na trabaho para matapos ang programa nang maayos.

Dahil sa mga katanungan tungkol sa pagsunod sa mga pinag-usapang loan stipulations, hindi na ipinagkaloob ng World Bank ang natitirang US$0.5M na dapat sanang huling pondo para sa proyekto.

Ayon sa review ng World Bank, “Progress towards achievement of the development objective discloses a mixed picture, with several achievements, but continuing procurement delays, uneven pace and quality of implementation, limited information on project results and recent fiduciary issues. As a result, the sustainability of the project’s fragile and limited gains remains at considerable risk unless clear actions are taken to address implementation issues and constraints.”

Ganun din, ayon sa review, “Since mid-2010 (when Corona assumed the post of chief justice), an increasingly top-down project decision-making and implementation process (especially on what to procure and through what method) has resulted in the exclusion of key stakeholders within the Supreme Court, and diminished existing internal ‘check-and-balance’ mechanisms,”

Ang Paliwanag ni Midas Marquez tungkol sa US$22B World Bank Loan

Ayon kay Marquez, “Iyong sinasabi na $21.9 million, hindi iyon ang kinukuwestyon sa last aide memoire. The memoire concerns only $200,000… [Besides] hindi ako ang nag-administer ng WB project na iyan.”

Dagdag pa nya, “It’s very clear naman from the memoire itself na it’s not a final report and subject to confirmation of the concerned offices. So dun makikita mo na right away na it’s just an initial report.”

Naging court administrator si Midas Marquez noong January 2010.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *