Cesar Montano: Bakit Binayaran mo ang “Buhay Carinderia” Organizer Agad Agad?

Cesar Montano: Bakit Binayaran mo ang “Buhay Carinderia” Organizer Agad Agad?

Sa pagiging DOT Secretary ni Berna Puyat, pwede bang usisaing mabuti ang opisina ni Cesar Montano?

Ano ang Nangyari sa “Buhay Carinderia”?

Matatandaang dalawang beses ko na naisulat ang tungkol sa Madrid Fusion Manila at Buhay Carinderia:

Ano ang Chismax sa Likod ng Madrid Fusion Manila?

Cesar Montano: Ang Bagong Karinderya King!

Sa pagbabago ng liderato sa Department of Tourism, isang magandang proyekto ang linisin ang departamento at ang lahat ng nakakabit na ahensya ng pamahalaan dito.

Case in point: Tourism Promotion Bureau na pinamumunuan ni Cesar Montano!

Ayon sa artikulo ni Boo Chanco sa Philippine Star, nag-issue ang Tourism Promotion Bureau ng 3 tseke sa organizer at proponent ng Buhay Carinderia. Mayroon daw kopya ng 3 checks at signed contract ng proyekto si Chanco.

Ang kontrata daw ay pinirmahan noong March 15 at nanotaryo noong March 20. Ang proyekto ay para sa financial sponsorship na nagkakahalaga ng 80M pesos, plus VAT. Ayon sa kontrata, ang 80M pesos ay  ire-release kapag nakumpleto na ang milestones. Ngunit, sa loob lamang ng March 19 hanggang April 17 ay nakabayad na ng 80M pesos ang Tourism Promotion Bureau.

Ang 3 LandBank na tseke na mula sa account ng Tourism Promotion Bureau ay ang mga sumusunod:

Ayon sa timetable ng Buhay Carinderia, ang programa ay hanggang December 2018. Kadalasan, ang full payment ay gagawin lamang matapos maisumite ang standard project report. Ito ay posible lamang sa January 2019.

Saan na nga ba napunta ang 80M pesos, Cesar Montano?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *