Mindanao Hospitals Mas Malaki ang Panloloko

mindanao hospitals philhealth

Mas malaki ang panloloko ng Mindanao hospitals sa PhilHealth kumpara sa WellMed Dialysis Center.

Mindanao hospitals dinaig ang WellMed sa fraudulent claims

Dahil sa bagong software ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), iniimbestigahan na ng ahensya ang tatlo pang ospital sa Mindanao dahil sa panloloko. Sinasabing mas malaki ang nakuha ng Mindanao hospitals sa fraudulent claims nito.

RELATED: PhilHealth Board Dapat Magpaliwanag

Matatandaang naibalita na kumubra ang WellMed Dialysis Center ng higit sa 800,000 piso sa PhilHealth. Nagkaroon ng maraming imbestigasyon sa operasyon ng ahensya at napalitan din ang liderato nito.

Ayon kay PhilHealth Senior Vice President Rodolfo Del Rosario Jr., milyon ang ilegal na nakolekta ng ilang medical facilities sa Region 12 at mas malaki pa ito sa nakubra ng WellMed.

Posibleng mawalan ng akreditasyon ang Mindanao hospitals na sangkot sa pandaraya at kakasuhan din sila gaya ng WellMed.

Pinagmulta ng PhilHealth ang WellMed ng humigit kumulang 2B piso dahil sa paglabag nito sa National Health Insurance Act.  Kinasuhan din ito ng administratibo at kriminal dahil sa panloloko.

Ngunit, pwede pang umapila ang WellMed sa PhilHealth board kaya di pa masingil ang mga multa.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Ricardo C. Morales, maingat sila sa pagbibigay ng parusa laban sa mga ospital para di maapektuhan ang mga pasyente.

Kapag tinanggalan ng akreditasyon ang mga ospital, posible pa itong tumanggap ng mga pasyente, ngunit di na ito pwedeng mag-file ng claims sa PhilHealth.

Nadiskubre ang pandaraya ng Mindanao hospitals dahil sa Machine Learning Identification, Detection, and Analysis System (MIDAS) para sa mga claims. Statistically improbable o di kapani-paniwala ang laki ng nakubrang pera ng mga ito mula sa PhilHealth.

Dumami kasi ang claims ng mga ospital samantalang wala namang naitalang epidemya. Nakikipagtulungan na ang ahensya sa National Bureau of Investigation (NBI) para habulin ang mga ospital na gumagawa ng ilegal.

Kasong administratibo lamang ang pwedeng isampa sa mga ospital na nadiskubre sa pamamagitan ng MIDAS dahil kailangan ng mas matibay na ebidensya para sa kasong kriminal. Ang NBI na ang tumatrabaho para sa mga ebidensya.

Nasa 23,000 ang fraud cases na nadiskubre ng PhilHealth dahil sa paggamit nila ng MIDAS simula noong 2018.

4,000 kaso ang nasa ilalim ng arbitration matapos makakuha ng prima facie evidence laban sa accredited PhilHealth facility o doktor.

RELATED: Alam Nyo ba ang Epekto ng TRAIN 2 sa Medical Expenses Nyo?

Marami sa atin ang nakatuon ang pansin sa korapsyon sa gobyerno. Pansinin din natin ang korapsyon ng pribadong sektor tulad ng Mindanao hospitals na sinasabing nanloko sa PhilHealth. Tayo ang ninakawan ng mga yan!

 

Source:

Medenilla, S. P. (2019, August 30). WellMed eclipsed. Retrieved from Business Mirror: WellMed eclipsed