MIASCOR: Nasampolan ng Klase ng Injustice ng Rehimeng Duterte

MIASCOR: Nasampolan ng Klase ng Injustice ng Rehimeng Duterte

Iilan lamang ang nahuling gumawa ng krimen pero pati mga inosente pinarusahan ni Duterte!

Ang Miascor Aviation Services ay may higit sa 4,000 empleyado na nagsisilbi sa mga paliparan dito sa Pilipinas. Ngunit dahil sa kasalanan ng 6 na empleyado sa Clark International Airport noong December 2017, nagdesisyon si Duterte na wag nang i-renew ang kontrata ng nasabing kumpanya. Ang kontrata ng Miascor sa Manila International Airport Authority ay matatapos ngayong April 2018.

Ayon sa Department of Transportation, “The President has also said that he will not entertain any appeal from Miascor Aviation Services.”

Mabilis namang umaksyon ang Miascor sa nasabing insidente. Nagbayad ng danyos ang kumpanya sa nasabing biktima ng pagnanakaw ng ilang tiwaling Miascor employees sa Clark. Sinampahan din nito ng kasong administratibo at kriminal ang mga sangkot sa pagnanakaw.

Ngunit, nagdesisyon pa rin si Duterte na wag ng i-renew ang kontrata ng Miascor. Ang kumpanyang ito ay 44 years ng nakikipagtulungan sa Manila International Airport Authority. Dahil sa kasalanan ng iilan, libo-libong katao ang mawawalan ng hanapbuhay.

Ayon kay Miascor Training and Development Manager Ritchel Bernardo, “The decision on us was really overkill.” Dagdag pa nya, “What we are fighting for is the welfare of the workers and our families.”

Sabi ni Tugade, mag-apply na lamang daw ang mga empleyado ng Miascor sa ibang aviation companies, Pero, wala namang kasiguraduhan ito.

Muli, pinatunayan ni Duterte na sya ay isang tamad na Pangulo at nakabase ang mga desisyon sa knee-jerk reaction. Galit sya sa pagnanakaw ng 6 na empleyado ng Miascor. Ang solusyon nya, tanggalan ng trabaho ang Miascor. Walang pakialam kung libo libong Pilipino ang mawawalan ng trabaho.

Napakadaling sabihin na mag-apply na lamang sa ibang kumpanya. Ang tanong: may opening ba? Hindi naman agad agad makakapagsimulang makapagtrabaho ang mga yan. Ipoproseso muna ang mga papeles. Habang wala pa, nganga muna. Ganun ba?

Ganun din, ia-award din ni Duterte sa ibang kumpanya ang pamamahala. Magkakaroon ng learning curve dahil aalamin pa ng panibagong kumpanya ang pasikot-sikot sa pamamahala. Ganun din ung mga empleyado nito. Pare-pareho silang nag-aaral kung paano ang gagawin sa mga responsibilidad na naiwan ng Miascor.

So, habang inaaral pa ng panibagong kumpanya at mga empleyado, nganga muna ang mga airline passengers kung mabagal ang proseso sa airport. Ganun ba un?

Duterte committed grave injustice to the innocent Miascor employees. At the same time, he will cause every airline passenger to suffer as the new company and its employees learn the ropes on airline ground operations.

Minsan pa, pinatunayan ni Duterte na hindi sya progresibong mag-isip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *