MATAPOS PASALAMATAN NI ARROYO SI DUTERTE, SC NAPILITANG DUMEPENSA

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umamin na’t nagpasalamat pa si Arroyo kay Duterte sa kanyang acquittal sa kasong pandarambong. SC napilitang dumepensa!

Arroyo pinasalamatan si Duterte sa kanyang acquittal sa kaso ng pandarambong

Nagpasalamat si dating Speaker Gloria Arroyo kay Pangulong Duterte noong Martes dahil sa pagbibigay ng tamang panahon para sya ma-acquit sa mga kaso ng pandarambong ng Korte Suprema.

Sa kanyang speech sa appreciation dinner na inorganisa ng kapwa nya mambabatas para sa kanya, sinabi nyang nagpapasalamat sya kay Duterte dahil nagkaroon ng kalayaan ang Korte Suprema na mapawalangsala sya. Bumoto ang mga hukom ng 11-4 pabor kay Arroyo.

RELATED: Arroyo sa Pagpasa ng HOR ng Age of Liability: Yan ang Gusto ni Duterte Eh!

Nagtapos ang termino ni Arroyo noong June 30 at nagpasalamat sya sa Pangulo dahil pinayagan syang maging House Speaker.

Noong July 2016, napawalangsala ng Korte Suprema si Arroyo sa kanyang kasong pandarambong sa maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ito ang naging dahilan kung bakit sya nakalaya mula sa hospital detention sa Veterans Memorial Medical Center.

Noong December 2018, nanalong muli si Arroyo sa regional trial court sa Pasay na syang nag-acquit sa kanya sa mga kasong electoral sabotage noong 2007 senatorial elections kung saan inutusan nya diumano si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na siguraduhing landslide ang pagkapanalo ng kanyang mga kandidato sa pagkasenador.

Pinanatili ng Korte Suprema ang kanilang kasarinlan matapos pasalamatan ni Arroyo si Duterte

Sinigurado naman ng Korte Suprema sa taumbayan na patuloy nitong magiging panuntunan ang rule of law at hindi magpapaimpluwensya sa kahit anong sangay ng gobyerno.

Ibinigay ni Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka ang kasiguraduhang ito matapos pasalamatan ni Arroyo si Duterte sa kanyang paglaya.

RELATED: Bakit Maraming Drug Suspects ang Acquitted ng Korte Suprema?

Di pa naman nakakausap ni Hosaka si Chief Justice Lucas Bersamin hinggil sa sinabi ni Arroyo ngunit siniguro na nito na walang sinuman ang makakapag-utos sa Korte Suprema kung paano nito dedesisyunan ang mga kaso.

Bukas naman sa publiko ang mga desisyon ng Korte Suprema at pwede nila itong basahin para maintindihan kung paano nagdesisyon ang bawat hukom.

Walang lihim na di nabubunyag. Kadalasan nadudulas talaga ang may katawan at nahuhuli ang isda sa kanyang sariling bibig. Ngayon, kandarapa naman ang Korte Suprema sa pagpipilit na hindi sila naimpluwensyahan ni Duterte na i-acquit si Arroyo. Boom. Buking!

 

Sources:

Roxas, P. V. (2019, July 9). Arroyo thanks Duterte for ‘providing atmosphere that led to her plunder acquittal’. Retrieved from Inquirer: Arroyo thanks Duterte for ‘providing atmosphere that led to her plunder acquittal’

Torres-Tupas, T. (2019, July 10). SC maintains independence after Arroyo thanked Duterte for plunder acquittal. Retrieved from Inquirer: SC maintains independence after Arroyo thanked Duterte for plunder acquittal