Ano ang Mangyayari sa Marawi Kung mga Dating World Bank-Blacklisted Chinese Firms ang Mag-Rebuild Nito?

Ano ang Mangyayari sa Marawi Kung mga Dating World Bank-Blacklisted Chinese Firms ang Mag-Rebuild Nito?

Blacklisted na nga, kinuha pa rin ng rehimeng Duterte? Oh my gas abelgas!

Piniling Chinese firms Blacklisted ng World Bank

Dalawang Chinese construction firms na kasama sa Bangon Marawi Consortium ay mga dating blacklisted ng World Bank dahil sa corruption sa Pilipinas.

Ang mga kumpanyang China Geo Engineering Corporation at China State Construction Engineering Corporation ay sinasabing nakipagsabwatan sa mga local companies sa Pilipinas para dayain ang bidding process ng mga road projects na pinondohan ng World Bank. Ito ay ayon sa investigation report ng nasabing financing institution noong 2009.

Hindi pinayagan ng World Bank ang China State Construction na mag-bid sa mga projects nito sa loob ng 6 na taon samantalang ang China Geo naman ay di pinayagang makilahok sa mga proyekto sa loob ng 5 taon.

Ang China State Construction ay notorious noong panahon ng rehimeng Arroyo. Noong 2004, na-blacklist ito ng DPWH sa loob ng 6 buwan dahil sa paglabag sa procurement law.

Ayon sa 2009 report ng World Bank, “Under the cartel’s system, bid prices were dictated by the cartel leadership; uncooperative bidders were forced out of the process before bids were submitted; winners were prearranged; and losing bidders, which in some cases participated to avoid displeasing influential members of the cartel, were compensated for their participation.”

Ano ang Nangyari sa Panahon ni GMA na Kasangkot ang mga Chinese Firms?

Ang imbestigasyon ng World Bank ay nangyari noong panahon ng rehimeng Arroyo. Ang mga Chinese firms ay involved sa National Roads Improvement and Management Project na inimbestigahan ng Kongreso dahil sa korapsyon.

Iniugnay ni Senator Ping Lacson si FG Mike Arroyo noon dahil ang huli umano ang backer ng Filipino contractor na permanenteng na-blacklist dahil sa pakikipagsabwatan sa mga Chinese firms.

Nilabag ng China State Construction ang Section 69.1.9 ng implementing rules and regulations ng batas ukol sa procurement na nagsasabing, “All other acts that tend to defeat the purpose of the competitive bidding, such as habitually withdrawing from bidding, submitting late bids or patently insufficient bid.”

Ngayon, nagbabalik na naman ang mga dating blacklisted Chinese firms. This time, para sa Bangon Marawi Consortium na pinili ng rehimeng Duterte para isaayos ang pinakanasirang parte ng Marawi City.

Walang bidding na naganap. Ngunit, ang designs ay isasailalim sa Swiss Challenge. Tatayuan ng Bangon Marawi Consortium ng mga daan, parks and recreational sites, underground utilities, barangay complex, centralized wastewater treatment facility, classrooms, health centers, memorial site, multipurpose hall, convention hall, at port facilities ang nasabing parte ng Marawi.

Galawang Arroyo ang nagaganap, mga beshie! Happy days are truly here again for them!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *