Kaliwa Dam may Anomalya sa Bidding

kaliwa dam

Ayon sa COA, may anomalya sa bidding sa Kaliwa Dam para pumabor sa China Energy.

COA: China Energy pinaboran sa Kaliwa Dam bidding

Ayon sa Commission on Audit (COA), mukhang dinaya ang proseso ng bidding para sa 12.2B pisong Kaliwa Dam project para paboran ang China Energy Engineering Corporation Limited (CEECL).

RELATED: Sa Kabila ng Protesta, Tuloy Pa Rin ang Kaliwa Dam

Sa audit observation memorandum (AOM) ng COA noong June 10, sinabi nitong kwestyonable ang pagiging kwalipikado ng CEECL dahil sa pagka-disqualify ng dalawa pang bidders sa una at pangalawang yugto ng procurement process dahil mukhang sinadya nila na wag sumunod sa requirements ng technical working group (TWG).

Ang AOM ay inilabas sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na syang may responsibilidad sa pagkuha ng engineering, disenyo, at konstruksyon ng Kaliwa Dam. Kalaunan, ang China Energy ang nakakuha ng kontrata.

Pumayag ang Export-Import Bank of China (China Eximbank) na pautangin ang Pilipinas ng 11.05B piso para sa proyekto. Ang natitirang halaga naman ay aakuin ng gobyerno.

Ayon sa state auditors, hindi epektibo ang utang dahil di nagsumite ng mga dokumento na nakapaloob sa kasunduan.

Ganun din, may nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na humihiling na pawalang bisa ang loan agreement dahil sa labag ito sa Saligang Batas.

Dinaya ang proseso ng Kaliwa Dam bidding?

Maliban sa CEECL, ang mga kumpanyang Power Construction Corporation of China Limited (Power China) at Consortium of Guangdong Foreign Construction ay sumali rin sa bidding para sa nasabing proyekto.

Inatasan ng Department of Finance (DOF) ang TWG ng MWSS na mangasiwa sa bidding.

Hindi nakapasa sa eligibility requirements ang Guangdong kahit na pumasa ito sa pre-qualification requirements ng MWSS.

Dahil sa may proven work experience na ang mga contractors at may mga proyektong natapos na ang mga ito sa Pilipinas na kinumpirma ng TWG, dapat naisumite ang mga kailangang dokumento.

Ang bid price naman ng Power China ay mas mataas sa naaprubahang budget para sa proyekto kaya na-disqualify ito. Naideklarang panalo sa bidding ang China Energy.

13.04B piso ang bid ng Power China at mas mataas ito ng 842.7M piso kesa sa budget. Kaduda-duda ang bid nito dahil alam naman ng mga bidders kung magkano ang approved budget ng proyekto. Alam din nila na awtomatikong di na kasali sa bidding kapag mas mataas sa approved budget ang bid price.

Ganun din, ang dalawang kontratista ay isinali lamang sa bidding process para masunod ang requirement na dapat higit sa dalawa ang bidders. Negotiated contract ang nangyari at hindi competitive bidding.

Di na epektibo ang utang

Ang notice of award ay naibigay sa CECCL noong December 11, 2018 ngunit ang notice to proceed ay hindi pa naibibigay dahil sa kulang sa naisumiteng dokumento ang kumpanya gaya ng environmental compliance certificate (ECC) at letter of guarantee mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Walang bisa ang loan agreement sa pagitan ng MWSS at China Eximbank dahil sa di pa naisusumiteng mga dokumento.

RELATED: Paano Naging Iresponsable Ang Gobyerno sa Krisis sa Tubig?

Huli ring naisumite ang ilang dokumento para sa Kaliwa Dam project. Base sa mga panuntunan ng COA, kailangang maisumite ang mga kontrata at dokumento limang araw matapos magkapirmahan ng kontrata. Sa proyektong ito, naisumite ang mga dokumento makalipas ang 135 araw.

Inirekomenda ng COA sa MWSS na humiling ng paliwanag mula sa TWG at papanagutin ang mga opisyal na responsible sa mga iregularidad sa bidding.

Malacañang pag-aaralan ang COA report

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, susuriin nila ang COA report pagkatapos ang kontrata.

Ngunit nang tinanong sya kung sususpindehin ang kontrata kung napatunayang may mga iregularidad nga, sinabi ni Panelo na hahayaan nilang si Duterte ang magdesisyon.

Buking na buking na ang rehimeng Duterte sa baluktot nitong gawi tungkol sa Kaliwa Dam project. Ang tanong: bakit tahimik ang maraming Pilipino sa korapsyong ito?

 

Sources:

Buan, L. (2019, August 19). Kaliwa Dam bidding looks rigged for China Energy – COA. Retrieved from Rappler: Kaliwa Dam bidding looks rigged for China Energy – COA

Corrales, N. (2019, August 19). Palace to study COA report, contract of Kaliwa Dam project. Retrieved from Inquirer: Palace to study COA report, contract of Kaliwa Dam project