Ilang Beses na bang Dawit si Wanda Teo sa Alegasyon ng Korapsyon?

Ilang Beses na bang Dawit si Wanda Teo sa Alegasyon ng Korapsyon?

Sa palagay nyo, ilang beses nang may whiff of corruption si Wanda Teo?

COA: Kinukwestyon ang 60M Bayad ng Department of Tourism sa Media Outfit ni Ben Tulfo

Ayon sa Commission on Audit, kulang sa dokumento ang 60M pesos na naibayad ng DOT sa Bitag Media Unlimited, Incorporated.

Base sa 2017 audited report ng COA sa People’s Television Network, Incorporated, nag-place ng ads ang DOT sa Kilos Pronto na ineere sa PTV 4. Ang Kilos Pronto ay programa nina Ben Tulfo, Erwin Tulfo, at Alex Santos. Si Ben Tulfo ang CEO ng blocktimer na Bitag Media Unlimited, Incorporated.

Ayon sa COA, 3 cheke ang na-issue sa kumpanya ni Ben Tulfo na nagkakahalaga ng 60,009,560 pesos. Sa pagsusuri ng disbursement records ng PTV-4, napag-alamang nag-release ng cheke ang ahensya:

Ngunit, walang nakita ang COA na maayos na dokumentasyon para sa 3 cheke na naibayad sa kumpanya ng mga Tulfo. Ganun din, wala ring maipakitang Certificate of Performance o Memorandum of Agreement (MOA) ang People’s Television Network.

Ayon sa COA, “Due to the absence of the documents mentioned and the deficiencies noted, the accuracy, legality and validity of the payments made to Blocktimer BMUI in the amount of P60,009,560.00 could not be ascertained.”

Walang naipakitang MOA ang Accounting personnel ng PTV-4 tungkol sa pag-ere ng DOT commercials sa programa ng mga Tulfo. Nung hingin ng COA sa Finance and Airtime Management/Programming Division ng PTV-4 ang kopya ng MOA, sinabi ng huli na nire-review pa raw ng Legal Unit ng ahensya ang MOA.

Ayon sa COA, “Since there was no MOA wherein the terms and conditions of the agreement are supposed to be spelled out, there was also no basis for the computations on how the said three payments were arrived at.”

Ilan pang mga Corruption Allegations kay DOT Secretary Wanda Teo

  • Overseas Trips para sa mga DOT clerks at drivers

Dinepensahan ni DOT Secretary Wanda Teo noong February 2018 ang desisyon nyang pagpapadala ng mga drivers, utility workers, at clerks sa mga official trips abroad. Ayon sa kanya, deserve daw ng mga empleyado ang trips na ‘to.

Ayon kay Teo, pinayagan nyang mag-Star Ships cruise ang mga drivers, clerks, at utility worker ng DOT dahil wala naman daw ginastos ang pamahalaan dito.

Sabi ni Teo, “Star Cruise gave us 10 cabins because we were partnered with them at the time they launched a maiden flight.”

Ngunit, kahit na libre ang cruise, ang mga empleyado ay entitled sa per diem at allowances.

Sa desisyon ni Teo na isama si Angelito Ucol sa kanyang foreign travels, kinlaro ni Teo na si Ucol ay kanyang executive assistant at hindi makeup artist. Ganun din, isinama rin nya ang isa pang assistant na si Marinela Miranda.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na raw ang COA magdesisyon tungkol sa mga foreign trips ng clerks and other employees dahil may rules naman ang ahensya tungkol dito. Pwede raw magdala ng hanggang 4 na katao ang sinumang Cabinet official sa foreign trips.

 

  • Designer Shoes and Tickets

Itinanggi rin ni Wanda Teo noong December 2016 na sya ung na-blind item na humingi ng 2 pairs ng designer shoes at 150 tickets para sa isang musical sa isang malaking shopping mall.

Sa harap ng Commission on Appointments, “It is not me. Honestly, I can face you all. I am not aware of this and definitely, it is not me in the Department of Tourism.”

 

  • Madrid Fusion Manila

Nagkaroon ng isyu tungkol sa Madrid Fusion Manila na dapat sanang nangyari ngayong Abril. Ayon sa artikulo ni Boo Chanco sa Philippine Star, hindi nagkasundo si Wanda Teo at ang Spanish franchise holder at organizer sa dalawang puntos:

Una, gusto ni DOT Secretary Wanda Teo na gawin ang nasabing okasyon sa Marriot Hotel at hindi sa SMX kung saan ito ay kadalasang ginaganap.

Pangalawa, gusto ni Wanda Teo na ang sarili nyang organizer ang magpatakbo ng nasabing okasyon at hindi ang dati ng tried and tested group na nagplano ng mga dating Madrid Fusion Manila.

Mapapansin na karamihan ng mga okasyon ng Department of Tourism ay sa Marriot Hotel ginagawa, kasama na ang birthday celebration ng DOT Secretary. Mas gusto ng franchise holder ng Madrid Fusion Manila, ang Foro Debate, na gawin ang nasabing okasyon sa SMX dahil maraming tao ang pumupunta doon at madali para sa chefs ang magpasok at maglabas ng kanilang mga kagamitan.

Ayaw din ng Foro Debate na palitan ang organizer ng Madrid Fusion Manila dahil very professional ang Paceos at nakatrabaho na nila ito sa mahabang panahon.

 

  • Norway-Iceland Junket

Ikinaila na ni Wanda Teo noong July 2017, ngunit may lumabas na sulat at nalathala sa Philippine Star na pirmado ng DOT Secretary ito na kumukumbida sa mga mambabatas para sa isang trip sa Iceland at Norway. Ang trip na nagkakahalaga ng 2.1M pesos para sa airfare ay para mag-observe ang mga kasama sa trip ng best practices on gender equality ng dalawang bansa.

Ayon sa sulat, sinabi ni Teo dun na ang trip is “to identify the gaps and inequalities in GAD policy implementation processes which may be addressed through legislation.”

Ganun din, “We aim to include applicable and doable transformative programs as we may gather during the undertaking. In this regard, we would like to invite the Honorable Congressman and the other members of the House of Representatives to take part in this undertaking.”

Ayon din sa sulat ni Teo kay Representative Nograles, the DOT would “provide for the economy and round trip international air tickets and daily substinence and daily allowance” ng mga sasamang myembro ng House of Representatives.

Nakupo, Tatay Digs! Bakit biglang barado ang ilong mo sa pag-amoy ng “whiff of corruption”? Tigilan kasi ang pagsinghot ng sambong-infused katol!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *