Halos Dalawang Taon na si Duterte sa Pwesto, May Korap Pa Rin?

Halos Dalawang Taon na si Duterte sa Pwesto, May Korap Pa Rin?

Si Digong, sagana sa ngakngak lang pero wala pa ring pagbabago talaga. Juskelerd

Patayin Daw si Digong Kapag Di Nya Nasugpo ang Korapsyon in 6 Months

Noong kampanya, ipinangako ni Duterte sa mga taga-Mindanao na sosolusyunan nya ang krimen at korapsyon sa bansa sa unang anim na buwan nya bilang Pangulo ng Pilipinas.

Ayon sa kanya, “If I succeed [in resolving crime and corruption] perhaps that would be my greatest contribution to the country, but if I fail, kill me.”

Problema Pa Rin ng Pilipinas ang Korapsyon

Ayon sa report ng Office of the US Trade Representative (USTR), korapsyon pa rin ang sakit ng ulo ng US sa pakikipagkalakalan nito sa Pilipinas.

Ayon sa kanilang 2018 National Trade Estimate Report of Foreign Trade Barriers, laganap pa rin ang korapsyon sa Pilipinas at patuloy na iginigiit ng US na solusyunan ang mga ito ng bansa.

Anong mga Klase ng Korapsyon sa Pilipinas ang nasa Report ng USTR?

Korapsyon sa Bureau of Customs

Ayon sa USTR, mayroon pa ring reports ng pagpapatuloy ng mga iregularidad at korapsyon sa BOC sa pagproproseso ng imported items, kasama na ang mga iregularidad sa valuation process, costly and undue delays, 100% inspection and testing of products, at mga custom officials na humihingi ng bayad na hindi naman nare-record bilang facilitation fees.

Korapsyon sa mga Korte at Regulators

Ayon sa mga investors, ang mga korte sa Pilipinas ay pwedeng suhulan at nag-issue ng TRO o temporary restraining orders para mapigilan ang lehitimong transaksyon.

Mga Polisiya na Nakakaantala sa Daloy ng Kalakalan sa Pagitan ng Pilipinas at US

Walang Kadahilanang Paghihigpit sa Karne

Ayon sa report ng USTR, kailangang igiit ng US na tanggalin ang magkaibang requirement sa fresh meat at frozen meat. Ayon dito, walang justifications ang ganitong requirements at nakakasagabal sa kalakalan.

Paghingi ng Sanitary at Phytosanitary Permit ng Department of Agriculture

Ganun din, kailangang siguraduhin ng US na hindi makakagambala sa mabilis na pakikipagkalakalan ang mga permits na hinihingi ng Department of Agriculture bago ang shipment ng mga agricultural products.

Patuloy na Paglaganap ng mga Pirated at Fake Products

Inirereklamo ng mga US rights holders ang patuloy na paglaganap ng mga peke at pirated items sa Pilipinas. Ganun din, mabagal ang imbestigasyon ng Department of Justice tungkol sa mga kaso ng pamemeke at kulang din sila sa kasanayan sa paghawak sa mga nasabing kaso.

Paghihigpit sa Foreign Investment

Inirereklamo rin ng USTR ang mga importanteng restrictions sa foreign investment na nagiging hadlang para sa patuloy na pagdami ng investors sa bansa.

Focus on Digital Trade Barriers

Ayon sa USTR, dahil sa pagre-require sa mga government agencies na gawing provider ng cloud computing services ang Government Cloud ng Department of Information and Communications Technology, hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga ito na makagamit ng best-in-class cloud services.

Prohibiting Service Providers from Activating New Drivers

Kasama rin sa reklamo ng USTR ang pagbabawal ng LTFRB sa mga service providers sa pagdadagdag ng mga new drivers sa kanilang mga platforms noong 2017. Ganun din, inirereklamo rin nila ang pagkakaroon ng maximum limit sa pricing at minimum limits sa driver hours.

Ayon sa USTR, ang mga ganitong regulasyon ay nagbibigay ng limitasyon sa halaga ng mga ganitong klaseng serbisyo sa mga consumers. Ganun din, pinapanghina nito ang competitiveness ng mga ganitong serbisyo kumpara sa mga local services.

Mga Pagsisikap ng Rehimeng Duterte na Kinikilala ng USTR

Memorandum Order No. 16

Noong November 2017, pinirmahan ni Duterte ang MO #16 para utusan ang NEDA at iba pang ahensya ng pamahalan na gumawa ng mabilisang aksyon para tanggalin o padaliin ang mga pangkasalukuyang restrictions sa foreign investment gaya ng construction, some professional services, domestic market enterprises, at retail trade enterprises.

Akala ko ba solb na ang korapsyon sa unang anim na buwan lamang? Patayin na lang daw sya pag di nya natupad ang pangako nyang ito. Kelan po ang necrological services?

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *