Duterte: Pinag-resign ang 2 Corrupt Asst Secretaries na Sya Rin Naman ang Nag-Appoint?!

Duterte: Pinag-resign ang 2 Corrupt Asst Secretaries na Sya Rin Naman ang Nag-Appoint?!

The irony is that these corrupt officials are his appointees. What does that tell you?

DOJ at DPWH Assistant Secretaries Pinag-Resign Ni Duterte

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inutusan ni Digong na mag-resign ang dalawang assistant secretaries mula sa DOJ at DPWH dahil sa corruption allegations.

Si DOJ Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. ay napag-alamang nakikipagsabwatan sa mga smugglers ng ginto at alahas. Sya rin ay nakikialam sa mga smuggling cases sa NAIA.

Ayon kay Roque, “Siya ang sumusundo sa smugglers (sa NAIA) para hindi dumaan sa Immigration.”

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, nag-resign na si Macarambon matapos sabihan ni Duterte.

Sabi ni Guevarra sa isang text message, “It’s a reiteration of the president’s policy. Mere whiff of corruption affects trust and confidence. He had tendered his resignation before Apr 30.”

Si DPWH Assistant Secretary Tinganun A. Umpa naman ay nahuling nangungumisyon sa mga contractors sa ARRM area. Sya ay na-appoint ni Duterte noong January bilang Assistant Secretary para sa ARMM Operations and Special Mindanao Projects.

Si Macarambon naman ay dating commissioner sa Commission on Elections at dating regional trial court judge sa Iligan City.

Nasa Ombudsman na raw ang investigation findings sa dalawang assistant secretaries na ito.

Bakit ung mga appointees ni Duterte karamihan corrupt? Di kaya “Birds of the same feathers are the same birds?”

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *