Duterte, Lilinisin ang Gobyerno ng mga Corrupt na In-appoint Nya?!

Proud pa si Tatay Digong nyan ha? Eh sya rin naman nag-appoint sa mga corrupt na yan?! Haller?!

Ang Pangako ni Duterte Noong Kampanya

Noong kampanya, “I will not promise you heaven but I will try to stop corruption. In three to six months, I will stop corruption in government.”

Super confident pa si Digong, “All of these platforms. I can tell you now I will provide leadership. Not only the platform but leadership.”

Noong February 2018, sa harap ng 200 LGU officials na mga mayors at governors, binanggit muli ni Duterte, “I was thinking if I made the right decision to run as president. But since I am here, I will stop corruption. I will do it, and then stop illegal drugs. I will work on peace and order, and talk to enemies of the state and have an agreement so that we can pass through this planet peacefully.”

Di raw Masosolusyunan ang Problema sa Korapsyon Overnight

Dahil sa resulta ng Corruption Perception Index ng Transparency International for 2017 kung saan nakakuha ang Pilipinas ng pang-111 na pwesto sa kabuuang 180, napilitian si Presidential Spokesperson Harry Roque na sabihing, “Fighting corruption needs everyone’s cooperation. The government cannot do it alone. Citizens must be vigilant and report corruption.”

Pero, ilang araw matapos ang pahayag ni Roque, inulit ni Duterte sa harap ng Petron Dealers Association (PETDA) Mindanao ang “I will deal with corruption. So I am fulfilling number one, ginagawa ko na (I’m already doing it). Hence I said I will deal with drugs because it is growing and they are destroying my country.”

Uubusin daw ni Duterte ang mga Korap

Sa isang dinner party sa Sofitel, sinabi ni Duterte, “I’ll be firing about one undersecretary, one after the other. Ubusin ko talaga ‘yan (I will finish them off)… Even the Cabinet member, the first to go mga tao ko.”

Ano nga ba ang Rekord ni Duterte sa Pagpapatalsik ng mga Korap sa Gobyerno?

Noong December 2016, tinanggal ni Digong sa pwesto sina Al Argosino at Michael Robles dahil sa extortion case kay Jack Lam, isang gaming businessman. Sinasabing nakatanggap ang dalawa ng 50M pesos para palayain ang mga nahuling Chinese workers sa Fontana Leisure Parks and Casino.

Noong February 2017, tinanggal ni Duterte si Peter Laviña bilang namununo sa National Irrigation Administration.  Tinanggal daw si Laviña dahil nakatanggap daw ito ng “40%”. Ang impormasyon diumano ay galing sa isang grupo ng NIA directors na nakipag-meeting kay Duterte. Ayon sa grupo, tinawag sila ni Laviña at binanggit ang mga proyekto ng ahensya sa isang rehiyon at sinabing, “Kayo nang bahala sa akin.” Itinanggi naman ni Laviña ang akusasyon.

Noong April 2017, tinanggal din sa pwesto si Ismael Sueño bilang DILG Secretary dahil nawalan na raw ng tiwala si Digong sa kanya. Idinawit din kasi si Sueño sa korapsyon. Sa isang sulat kay Duterte ng MRRD-NECC (Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee), inakusahan si Sueño na nagmamay-ari ng isang hotel sa South Cotabato. Ganun din, may trucking business din daw si Sueño at nakatanggap din ng payola mula sa illegal gambling. Ang mga akusasyon ay itinatwa ni Sueño.

Tinanggal din sa pwesto ni Duterte si Office of the Cabinet Secretary Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez dahil sa gusto ni Valdez na baguhin ang desisyon tungkol sa pag-import ng bigas. Ayon kay Duterte, gusto nyang protektahan ang mga magsasaka at mga produkto nito.

Noong November 2017, tinanggal sa pwesto si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago dahil sa reklamo diumano ng DDB Employees’ Union na maraming junkets abroad si Santiago.

Noong January 2018, tinanggal ni Digong si Philippine Maritime Industry Authority Chief Marcial Amaro III dahil daw sa junkets abroad. Ngunit, ayon kay Amaro, ang mga byahe nya abroad ay official business.

Tinanggal din sa pwesto dahil sa junkets si Presidential Commission for the Urban Poor Head Terry Ridon.

Ganito lang kasi ‘yan. Majority ng mga tinanggal ni Duterte sa pwesto ay sya mismo ang nag-appoint. Kung sila ay mga corrupt, hindi ba ibig sabihin flawed ang sistema ni Duterte sa pagpili sa kanila?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *