Dr. De La Serna: Saang Kanto ng Pasig Nagkalapit ang PhilHealth Main Office at Bohol?

Dr. De La Serna: Saang Kanto ng Pasig Nagkalapit ang PhilHealth Main Office at Bohol?

Gumaya pa kay Digong. Parang tumatawid lang sa kanto kung umuwi ng Bohol galing sa PhilHealth Main?!

COA: 627k Pesos ang Ginastos ng Philhealth OIC sa kanyang mga Travels

Sa loob lamang ng isang taon, nakagastos na ang PhilHealth OIC ng mas higit sa 500k pesos para sa kanyang hotel accommodations and travels sa pag-uwi uwi nya sa kanyang tahanan sa Bohol.

It doesn’t make sense. Ang PhilHealth ay para maging affordable ang healthcare sa lahat ng Pilipino. Eto namang Philhealth OIC nagiging palasak sa paggastos ng pondo nito.

Hindi lang yan! Ayon sa 2017 unaudited financial statement ng PhilHealth, nagkaroon ito ng NET LOSS na 8.92B pesos. Noong 2016, ang NET LOSS lamang ay 251.5M pesos.

Na-appoint ni Duterte si Dr. Celestina Ma. Jude de la Serna bilang PhilHealth OIC noong April 10, 2017. Simula noon, gumastos na ang PhilHealth ng humigit kumulang 627,293.04 pesos para kanyang airfare at accommodations sa kanyang pag-uwi sa Bohol na syang kanyang tahanan. Hindi lang yan! Pati terminal fees, syempre, ay binabayarang ng PhilHealth.

Ganun din, appointed din si De la Serna sa Overseas Filipino Workers bilang representative ng PhilHealth board. Na-appoint sya ni Digong noong July 1, 2016.

Pinagpapaliwanag ng COA si De la Serna tungkol sa kanyang pagtanggap ng allowances, wages, at per diem:

Tuwing andito sya sa Manila para asikasuhin ang kanyang mga duties sa central office ng PhilHealth, hindi tumitigil si De la Serna sa isang rented house. Bagkus, tumitira sya sa mga hotels na malapit sa PhilHealth.

Ayon sa Audit Observation Memorandum ng COA, pinagpapaliwanag si De la Serna kung ano ang legal basis ng kanyang travel reimbursements kung ang kanyang appointment ay sa PhilHealth Central Office sa Pasig.

Ang nakakalurkey ditto, nag-issue pa si De la Serna ng order para sa lahat ng empleyado ng PhilHealth na magtipid. Naka-specify sa Corporate Order 2018-0002 na limitahan lamang ang travel expenses at iba pang expenses.

Ayon kay PhilHealth spokesman Israel Pargas, “Remember, wala pa po siyang appointment, so technically dahil wala siya namang appointment pa, talaga namang walang place of [office]. Yung pagiging president/interim, anytime puwede tanggalin ng Board, walang term ng one year. Actually, hindi po central office base niya, kasi nga wala pa siyang appointment.”

Tungkol naman sa mga travel expenses, sabi ni Pargas, “Allowed naman siya by Board reso, based on a letter from GCG (Governance Commission for GOCCs) also saying dapat binibigyan siya ng reimbursable allowances. Second…wala namang PhilHealth polisiya na you can just rent any hotel. Meron lang maximum amount.”

Tungkol naman sa pag-rent na lamang ng bahay na malapit sa PhilHealth, sabi ni Pargas, “Actually tinanong na nga rin yan and she was also allowed…Actually, ngayon naka-rent na siya and she pays for it.”

Nung tinanong naman si DOH Secretary at PhilHealth Chairman Francisco Duque tungkol sa reimbursements ni De la Serna na pinirmahan nya, “Inabutan ko na ‘yan. I continued it because the President [Duterte] has not appointed a new CEO yet. Di ako masyado sa PhilHealth, policy formulation ako, and of course board action.”

Ayon naman kay PhilHealth COO and Executive Vice President Ruben John Basa, “There is a PhilHealth Board Resolution which approves salaries and other allowances to the interim [president/CEO] including housing allocation and family visits. The Board based its decision on a GCG (Governance Commission for GOCCs) letter.”

Public service ang gobyerno. Malaking sakripisyo para sa lahat ng empleyado ng gobyerno na pagsilbihan ang taumbayan. Ngunit, bakit may mga unnecessary expenses na ganito?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *