DOT: Matapos ang 60M Pesos, Show na Produced ng Bitag naman Ngayon?

DOT: Matapos ang 60M Pesos, Show na Produced ng Bitag naman Ngayon?

Di matapos-tapos ang kontrobersya! Bakit ba siksik nang siksik ang DOT sa Bitag ha?

“I Travel Pinas” Show Napunta sa Bitag Media Unlimited Inc.

Alam nyo bang ang “I Travel Pinas” show na umeere sa PTV-4 ay produced ng Bitag pala?

Ang Bitag ay pag-aari ni Ben Tulfo na syang kapatid naman ni DOT Secretary Wanda Teo. Matatandaang involved din sila sa issue ng 60M ad placements na ibinayad ng PTV-4 sa Bitag.

Ayon sa socmed posting ng Bitag, sila ang producer ng “I Travel Pinas” na umere sa PTV-4 noong March 2017.

Ayon kay Tourism Undersecretary Kat de Castro, sa pamamagitan ng abugado ni Wanda Teo na si Ferdinand Topacio, makipag-ugnayan daw ang Rappler sa PTV-4 tungkol sa issue ng “I Travel Pinas”.

Ayon kay PTV General Manager Dino Apolonio, “Sorry we cannot talk about anything because there is a Palace investigation going on.”

Ayon sa imbestigasyon ng Rappler, walang lumabas na bid and award notices sa DOT or PTV tungkol sa “I Travel Pinas” sa Philippine Government Electronic Procurement System. Ang Philgeps ay isang portal kung saan naka-post ang mga transactions ng national government at local government units.

Ganun din, walang nabanggit na “I Travel Pinas” sa mga notices ng PTV, DOT, at PCOO sa Philgeps simula July 2016 hanggang March 2018.

Ayon kay DOT Undersecretary Kat de Castro na syang narrator ng show at sumasama sa mga field shoot, mas mura raw ang “I Travel Pinas” kesa sa ibang travel shows. Noong April 2017, sinabi nyang gumagastos ang DOT ng 200,000 pesos per episode o 9.6M pesos kada taon.

Ayon kay de Castro, idea raw ni PCOO Secretary Martin Andanar ang “I Travel Pinas”.

 

COA: 22.089M ang Napunta sa Bitag para sa “I Travel Pinas”

Ayon sa record ng COA, 28.125M ang ibinayad ng DOT sa PTV para sa “I Travel Pinas”. Ibinawas ng PTV ang 4.285M pesos para sa commercials para sa 1st quarter ng 2017. Ganun din, ibinawas din ang 650k pesos para sa cost of airtime para sa 13 weeks.

Ang natitirang 22.089M pesos ay ibinayad ng PTV 4 sa Bitag.

Ayon sa report ng COA:

Source: Rappler

Ilang beses na nag-trending si DOT Secretary Wanda Teo tungkol sa usapin ng korapsyon. Ang tanong: Bakit sobrang love pa rin sya ni Digong?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *