DOT: It’s All in the Family

DOT: It’s All in the Family

Bukod pa sa issue ng 60M pesos, meron pa palang isang kamalasaduhan sa DOT.

Robert Teo: 2014 pa lang Myembro na ng TIEZA Board

Ayon kay Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Pocholo Paragas, si Robert Teo, asawa ni DOT Secretary Wanda Teo ay nananatiling board member at representative ng travel and tours section ng ahensya.

Holdover status daw si Teo at hawak nya ang maraming transaksyon tungkol sa policy making.

Sabi ni Paragas, “Siya po ay (he is a) private sector representative. He represents (sic), if I’m not mistaken, the travel and tours section since 2014.”

Robert Teo: Myembro ng Lahat ng TIEZA Committees at Chairman ng Audit Committee

Ayon sa website ng Tieza, ang asawa ni Wanda Teo ang bukod tanging myembro ng TIEZA Board na nakaupo rin sa lahat ng committees. Sya rin ang Chairman ng Audit Committee.

Source: TIEZA Website

So, ang tanong: Bakit nakasawsaw sa lahat ng committees ang asawa ni Wanda Teo? Since mga bago ang USEC na nasa committees, mukhang ngayon din lang naging myembro ng lahat ng committees si Roberto Teo. Ano yan? Sya ang mata, bibig, at tenga ni Wanda Teo sa TIEZA?

 

Robert Teo: Appointed ni Duterte sa Land Bank of the Philippines Leasing and Finance Corporation

Noong June 2, 2017, na-appoint ang asawa ni Wanda Teo bilang board member ng Land bank of the Philippines Leasing and Finance Corporation.

Ngunit, kahit na may bago na ang appointment si Robert Teo, nanatili pa rin syang board member ng TIEZA.

 

Hindi raw Conflict of Interest ang Patuloy na Pagiging Board Member ni Robert Teo sa TIEZA

Ayon sa artikulo ng Philippine Star, wala raw namang conflict of interest kung magkasama ang mag-asawang Teo sa TIEZA. Si Wanda Teo ang Chairman of the Board ng TIEZA dahil sya ang DOT Secretary.

Ayon sa mga abugado na kinunsulta ng PhilStar.com, wala raw nilabag na batas o conflict of interest.

Ayon sa Republic Act 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees”, magkakaroon lamang ng conflict of interest kung ang isa sa kanila ay ginamit ang personal influence sa mga desisyon sa TIEZA.

Ayon sa batas, “’Conflict of interest’ arises when a public official or employee is a member of a board, an officer, or a substantial stockholder of a private corporation or owner or has a substantial interest in a business, and the interest of such corporation or business, or his rights or duties therein, may be opposed to or affected by the faithful performance of official duty.”

Posible raw mag-apply ang Republic Act 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” sa mag-asawang Teo pero depende raw kung ano ang mga business interests ni Roberto Teo.

Ayon sa Section 3(h) ng batas, one violates the law if  they “directly or indirectly have financing or pecuniary interest in any business, contract or transaction in connection with which he intervenes or takes part in his official capacity, or in which he is prohibited by the constitution or by any law from having any interest.”

Posibleng wala pang conflict of interest na nahahalungkat PERO sa sumambulat na 60M pesos na issue ng DOT, PTV-4, at Bitag ng mga Tulfo, nagkakaroon ng doubt sa presensya ni Robert Teo sa TIEZA. Besides, na-appoint na ang asawa ni Wanda Teo sa Land Bank, bakit di pa rin sya nag-resign sa TIEZA? Walang delicadeza!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *