Congressmen Kakasuhan ng Plunder si Ben Diokno

Congressmen Kakasuhan ng Plunder si Ben Diokno

Di matapos-tapos ang teleserye.

Kamara Kakasuhan ng Plunder si Ben Diokno

Dalawang komite sa House of Representatives ang magsasampa ng kasong pandarambong laban kay DBM Secretary Ben Diokno dahil sa ayaw nyang humarap sa mga mambabatas kahit anim na beses na syang iniimbitahan.

Ayon kay House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr., naghahanda na si House Minority Leader Danilo Suarez ng mga dokumento para sampahan na ng kaso si Diokno.

Ang kasong pandarambong ay nag-ugat sa 75B pesos na inamin ni Diokno na isiningit sa 2019 national budget.

Matatandaang nadiskubre nina Andaya at Suarez na nakatanggap ng 81M pesos ang Aremar Construction mula sa CT Leoncio Corp. Ang Aremar ay pag-aari ng balae ni Diokno.

Ayon kay Andaya, conflict of interest ang issue. Si Charlotte na anak ni Diokno ay kasal sa anak ni Ester Hamor na ngayon ay asawa ni Edwin Hamor.

Ganun din, nagbabala si Andaya kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pagbabalik ng 75B pesos pork na tinanggal na ng mga mambabatas.

Pinag-iingat ni Andaya si Nograles sa pag-veto sa pagtatanggal ng 75B pesos pork. Kapag nagtagumpay sina Diokno at Nograles sa pag-veto, sasama si Andaya kina Senators Ping Lacson at Frank Drilon sa pagdulog sa Korte Suprema.

Pero kung ayaw ng mga mambabatas sa pork, bakit tahimik ang mga congressmen sa 160M pesos pork nila? Kaloka!

 

 

Source:

Porcalla, D. (2019, February 11). House finalizing plunder raps vs Benjamin Diokno.

Retrieved from The Philippine Star: https://www.philstar.com/headlines/2019/02/11/1892691/house-finalizing-plunder-raps-vs-benjamin-diokno

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.