COMELEC Cash Advance Pumalo nang 1.6B Piso

comelec cash advance

Ayon sa COA, di na-liquidate ang 1.6B pisong COMELEC cash advance. Bakit kaya?

COMELEC cash advance umabot ng 1.6B piso

Nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na may 1.637B pisong unliquidated cash advances ang Commission on Elections (COMELEC) hanggang September 2018.

Hindi nakapagsumite ang COMELEC ng financial statements para sa taong 2018 kaya nagpalabas na lamang ang COA ng management letter dahil di ito makapaglathala ng audit report.

RELATED: PARA SAAN PA ANG COMELEC DIVISION KUNG BABALIGTARIN DIN NAMAN NG EN BANC ANG DESISYON?

Ngunit, pareho lang din naman ang laman ng management letter at ng isang audit report.

Ayon sa COA, 893.126M piso ang nasa trust fund ng COMELEC na di pa ibinabalik sa National Treasury. 931.115M piso naman ang unliquidated fund transfers noong 2018.

Ganun din, kahit na di pa liquidated ang 1.627B pisong COMELEC cash advance, patuloy pa rin ang pagbibigay ng ahensya ng karagdagang advances. Ito ay paglabag sa COA Circular 97-002 at sa Government Auditing Code.

Ayon din sa COA, may highly centralized accounting system ang COMELEC kung saan nagsusumite ng liquidated reports ang mga kawani para maproseso at maipasa sa accounting division. Ngunit, hindi pa rin nila magawang i-liquidate ang mga cash advance.

Ang COMELEC cash advance ay ginamit sa mga sumusunod:

  • Payroll
  • Official travels (local and foreign)
  • Iba pang mga proyekto

Sa mga di pa liquidated na cash advances, 1.207B ang ginamit para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong May 2018.

Ayon sa batas, kailangang magsumite ang kinauukulan matapos ang anumang gawaing pinaggamitan ng pera.

Ayon din sa ulat, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang syang pinakamatagal mag-liquidate. Inabot na ng 252 araw ang unliquidated cash advance na nagkakahalaga ng 101.35M piso.

Inabot din ng 236 days ang unliquidated 38.38M piso ng Region XII at 235 araw naman ang unliquidated 146M pisong cash advance ng Region VIII.

RELATED: COMELEC: Walang Nilabag na Batas sa Pagiging Anino ni Bong Go

Dahil sa di nagsumite ng liquidation reports ang kinauukulan, hindi rin naproseso sa tamang panahon ang mga ito.

Kaya, sinabihan ng COA ang COMELEC na pagsumitehin na ang mga tauhan nito ng liquidation report.

Masinop na paggamit ng pera ng bayan. Higit isang taon na ang nakalipas di pa rin na-liquidate ang 1.6B pisong COMELEC cash advance. Anyare?

 

Sources:

Chiu, P. M. (2019, August 11). Comelec advances hit P1.6B. Retrieved from Inquirer: Comelec advances hit P1.6B

Rosario, B. (2019, August 10). COA chides Comelec for delayed liquidation of P1.63 billion in cash advances. Retrieved from Manila Bulletin: COA chides Comelec for delayed liquidation of P1.63 billion in cash advances