COAST GUARD, ANG GULO NG REKORD NYO!

Tume-trending ang kamalasaduhan sa Philippine Coast Guard. Corruption is still alive and kicking!

COA sinita ang Coast Guard sa magulong talaan ng gastos

Ipinagyabang ng Philippine Coast Guard ang pagkakaroon ng pinakamalaki at pinakamodernong barko ngayong linggo, ngunit hindi naman nito inaayos ang magulong rekord nito.

Muli, tinawag ng COA ang pansin ng PCG dahil sa hindi tamang pagtatala ng bilyong bilyong paggastos noong 2018.

RELATED: SEC TUGADE TUMANGGING SABIHIN ANG RESULTA NG IMBESTIGASYON NG MARINA AT PHIL COAST GUARD

31.6% o 4.1B pisong ari-arian ng PCG hindi tama ang pagrerekord noong 2018.

Dahil sa may mga kakulangan at maling tala sa report ng financial statement ng PCG, hindi na ngayon makatarungan ang lagay ng pananalapi ng nasabing ahensya.

Mga maling rekord sa pananalapi ng Philippine Coast Guard

  • Hindi naitala ng Accounting Service Office (ASO) ng PCG ang 748.25M pisong halaga ng supplies at kagamitan dahil hindi ito nabigyan ng kopya ng delivery receipts and inspection, at Acceptance Reports by the Supply Administration Office (SAO)
  • Kulang ng 392.532M piso ang imbentaryo ng PCG dahil mali ang pagtatala ng iba’t ibang resibo at issuances
  • Hindi pagtatala ng 454M pisong halaga ng pangsampung watercraft na binili ng PCG
  • Hindi pagtatala ng 26.67M pisong halaga ng mga sasakyan, 18M pisong halaga ng aluminum workboat at 575 lighthouses

Nadiskubre ng COA na sira at di na makilala ang workboat. Ang sabi sa kanila, hindi naman ito.

Nadiskubre rin ng COA na 13B piso lamang ang nagastos sa 17B pisong budget ng PCG noong 2018 samantalang 99.39% ng budget ang nakalaan na sa mga proyekto.

Ayon sa COA, mababa lamang ang nagastos ng COA dahil sa mga naantala ang mga proyekto at delivery ng mga ordered items. Ganun din, mabagal din ang pagproseso ng pagbabayad sa mga suppliers.

Mga problema sa cash advance

Noong 2017, ang PCG ang isa sa limang ahensya ng pamahalaan na nadiskubreng may mga pekeng transaksyon gaya ng cash advances na itinanggi naman ng mga kontraktor at supplier.

818M pisong halaga ng pekeng resibo noong 2017 ay para kay Rear Admiral Leopoldo Larroya. Ang paliwanag ni Laroya, nang makarating ang liquidation documents sa kanyang opisina, inakala nyang walang iregularidad ang mga iyon dahil sa nililimitahan sya ng District Commander sa pagsusuri ng mga resibo.

RELATED: COA: Promoted PCG Rear Admiral Larroya, Anyare sa Cash Advances Mo?

Hindi naman sinabi ng COA sa report nito tungkol sa mga fake receipts kung paano ito naresolba. Ang sinabi lamang nito ay nabigyang katwiran ng PCG ang isyu.

Ayon sa COA, nagtalaga ang PCG ng isa pang empleyado para magsuri ng mga supporting documents para di na maulit ang isyu.

Wala nang problema ang PCG hinggil sa pekeng resibo noong 2018, ngunit labis labis at di pa nababayaran ang mga cash advance.

Halimbawa, labis labis ang petty cash funds (PCF) na ibinibigay ng PCG sa mga opisyal nito sa headquarters at National Capital Region (NCR) na nagkakahalaga mula 45,000 hanggang 500,000 piso.

Dahil sa sobra sobra ang petty cash fund, tumataas ang panganib ng maling paggamit ng pondo. 6.2M pisong cash advance ang di pa nababayaran.

Ganun din, 12.45M pisong halaga ng gastusin ang walang tamang dokumento. Hinihiling ng COA na isauli ang pera sa lalong madaling panahon.

Dahil sa magulong rekord ng pananalapi ng PCG, maraming disallowances at suspensions na nagkakahalaga ng 59M piso ang naipataw ng COA. Umaapela naman ang PCG sa maraming disallowances.

Paulit ulit na lang ang anomalya sa Coast Guard. Nagkakaroon tuloy ng isipan na talagang kitang kita ang mga kumikita sa ahensya.

 

Source:

Buan, L. (2018, July 18). COA calls out Coast Guard for billions worth of messy finances. Retrieved from Rapple: COA calls out Coast Guard for billions worth of messy finances