COA to PTV-4: Anyare sa 77.3M Pesos na Ibinayad sa mga Manggagawa?

COA to PTV-4: Anyare sa 77.3M Pesos na Ibinayad sa mga Manggagawa?

Matapos ang issue sa Tulfo brothers, bayad sa workers naman ngayon?!

COA, Kinuwestyon ang Legalidad at Katumpakan ng mga Salaries at Benefits ng Workers ng PTV-4

Kinuwestyon ng Commission on Audit ang Peoples’s Television dahil sa 77.302M pesos na ibinayad ng istasyon sa mga contractual and contract of service personnel.

Ayon sa COA, hindi nasuportahan ng tamang dokumentasyon ang mga halagang nabanggit. Ibig sabihin, nalabag ang Section 4 ng Presidential Decree 1445 dahil hindi ma-establish ng COA ang legality, validity, at accuracy ng mga payments.

Ayon sa Paragraph 3, Section 4.1.3 ng COA Circular 2012-001, kailangan ang mga dokumentong tulad ng service contract, accomplishment report, certification na ang mga serbisyo ay hindi kayang ibigay ng mga regular na empleyado ng ahensya, at approved daily time records.

Noong hiningi ng mga COA auditors ang mga dokumento para sa 2017, sinabi raw ng management ng People’s Television na hindi nila maisusumite ang mga ito, ngunit pwede nilang ibigay ang mga contracts noong 2016.

Ayon sa COA report, ang hindi pagsusumite ng mga kailangang dokumento ay pwedeng magbunsod ng pag-issue ng notices of suspension o notices of disallowance. Pag nag-issue ng notices of suspension, hindi na pwedeng maglabas ng pondo para sa mga kwestyonableng transaksyon. Pag nag-issue naman ng notices of disallowance, kailangang ibalik ang mga halagang kinukwestyon ng COA.

Bago ang 2017, hindi rin naibayad ng mga People’s Television ang mga taxes na na-withhold ng istasyon sa mga sahod ng mga empleyado nito. Hindi rin na-remit ang mga employee contributions sa GSIS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Aba, matinde! Dami palang isyu ng korapsyon sa PTV-4. Kanino nga under ang PTV-4? Hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *