COA to PCSO: Anyare sa 5.89B Pesos na Pondo?

COA to PCSO: Anyare sa 5.89B Pesos na Pondo?

Mabilis mauubos ang pondo kung ginagastos ito hindi para sa charity programs ng gobyerno.

Deficit ng 3.533B Pesos ang PCSO noong 2017

Ayon sa 2017 Audit Report ng COA sa PCSO, gumastos ng 18.035B pesos ang PCSO mula sa Charity Fund nito. Ngunit, 14.405B pesos lang ang nakalaan para rito kung kaya’t deficit ang PCSO ng 3.533B pesos.

Nagkaroon ng deficit dahil may 5.89B pesos na nakakarga sa Charity Fund na walang relasyon sa health programs, medical assistance, o charities na naaayon sa Section 6B ng RA 1169 o Philippine Charity Sweepstakes Office Charter.

Ayon sa RA 1169, 30% ng kita ng PCSO ay ilalagak sa Charity Fund na gagamitin para pambayad sa mga charitable institutions gaya ng Philippine National Red Cross para sa health, medical, at charity programs na pang-nasyonal ang scope.

Noong 2017, nagbigay ang PCSO, gamit ang Charity Fund, sa mga sumusunod:

  • Commision on Higher Education: 318.589M pesos
  • Bureau of Internal Revenue: 5.298B pesos
  • Personal Services of employees assigned to PCSO Charity Clinic: 67.98M pesos
  • Medical Benefits of PCSO employees: 204.593M pesos

Ang mga ganitong gastusin ay dapat kinuha ng PCSO sa Operating Fund nito at hindi sa Charity Fund. Hindi tama at misleading ang nakalagay na balanseng 933.836M pesos sa “Unutilized Charity Fund” na nakasulat sa Statement of Charity Fund Utilization for CY 2017.

 

Lugi ang Keno Lottery Operations

Deficit din ang Keno online games operations ng 4.283B pesos simula 2006 hanggang 2017 dahil sa mas malaking payouts na sobra sa naka-allocate para sa mga premyo. Di tinanggap ng COA ang depensa ng PCSO na nakakapag-ambag ng pondo ang Keno kahit na lugi ito.

Simula 2006 hanggang 2017, 2.845B pesos ang naiambag ng Keno operations sa Charity Fund ng PCSO. Ngunit, ang Keno ay nakapagdulot ng deficit sa Prize Fund na mas malaki kesa sa naiambag nito sa Charity Fund.

Deficit ng 741.574M pesos ang Prize Fund ng PCSO dahil sa Keno operations. Kung wala ang Keno operations, magkakaroon ng 440.155M pesos savings ang Prize Fund. Kung magpapatuloy ang ganitong practice, posibleng maubos ang Prize Fund ng PCSO.

Pilit na mina-magic ng PCSO ang pondo pero buking naman sila ng COA!

 

Source:

Marcelo, E. (2018, July 14). COA calls out PCSO for P5.89-B disbursements not related to charity projects.

The Philippine Star. Retrieved from https://www.philstar.com/headlines/2018/07/14/1833477/coa-calls-out-pcso-p589-b-disbursements-not-related-charity-projects