COA TO GAB: WALANG BENEPISYO SA GOBYERNO ANG PAGPANOOD NG PACQUIAO-MATTHYSSE FIGHT

Daming illegal benefits sa GAB, kasama na ang pagpanood ng Pacquiao-Matthysse fight. Hindi nakaka-amuse, promise!

COA to GAB: Tigilan ang Pagbibigay ng Illegal Incentives at Foreign Travel

Ayon sa Commission on Audit, kailangang tigilan na ng Games and Amusement Board ang pagbibigay ng mga ilegal na benepisyo sa mga opisyal at empleyado matapos madiskubre nito na halos 3M piso ang ibinigay na incentives na walang legal na basehan noong isang taon.

Inutusan din ng COA ang GAB na isoli ang perang ipinamigay bilang incentives. Pumayag naman ang ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng Office of the President.

Nadiskubre ng COA na nagbigay ang GAB ng 20,000 pesos sa lahat ng empleyado nito bilang incentive noong December 20, 2018.

Ayon sa COA, ginamit ng GAB ang savings nito mula sa personnel service. Walang basehan ang pagbibigay ng allowance kaya dapat itong isoli ng mga empleyado.

Halos 2.92M piso ang ginastos para sa di awtorisadong incentives. Pinatigil din ng COA ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa lahat ng opisyal at empleyado kung walang legal na basehan.

Sa parehong audit report, pinagsabihan din ng COA ang GAB dahil sa mga di kailangang travel expenses ng mga empleyado na nagkakahalaga ng 1.853M pesos.

Nadiskubre ng COA na gumastos ang GAB sa foreign travels na di kumpleto ang dokumento at di naman kailangang maraming empleyado ang pumunta.

1.464M pesos na gastos sa foreign trips ang kulang ang dokumento at reports. Wala ring certificates of appearance. Kailangan ang mga dokumento para malaman ng COA kung talagang um-attend nga ang opisyal o empleyado sa nasabing events.

Masyadong marami ring opisyal at empleyado ang ipinadala ng GAB para manood ng dalawang boxing events at dalawang e-Sports events.

Gumastos ang GAB ng 524,878.20 pesos para sa tatlong opisyal at empleyado para sa International 8 DOTA 2 Sports Championship sa Vancouver, Canada.

Gumastos din ang GAB ng 1,084,560.92 pesos para sa mga foreign travels na masyadong mahal at wala namang benepisyong natanggap ang gobyerno sa panonood ng mga opisyal at empleyado ng boxing fights at DOTA championship.

Ganun din, napansin din ng COA na nasa tatlong trips ang average na pinuntahan ng mga opisyal at empleyado ng GAB noong isang taon.

Pumayag naman ang management ng GAB sa mga rekomendasyon ng COA hinggil sa pagsunod sa documentary requirements at sa limitasyon sa foreign travels ng mga opisyal at empleyado.

Tindi ng mga tauhan ni Duterte ah. Kabi-kabila ang nadidiskubre ng COA. Sa Games and Amusement Board naman ngayon. Kelan kaya nila uunahin ang kapakanan ng mga Pilipino?

Source:

Arcalas, J. Y. (2019, June 6). COA to GAB: Stop illegal incentives, foreign travels. Retrieved from Business Mirror: COA to GAB: Stop illegal incentives, foreign travels