COA to DBM: Nasaan ang mga Disaster Response Items?

COA to DBM: Nasaan ang mga Disaster Response Items?

Daming nahahalukay ng COA na kamalasaduhan ah. Sa DBM naman ngayon?! Go, COA!

1.16% Lamang ng Disaster Response Items ang Nai-Deliver sa Office of Civil Defense Noong 2017

Juskelerd! 443.5M ang halaga ng mga disaster response items at office supplies na binili ng Office of Civil Defense noong 2017 PERO 1.16% lamang ang naibigay ng Procurement Service ng Department of Budget and Management. Nasaan ung iba?!

Ayon sa COA, “only P5,111,564.12 or 1.16% of the total transferred funds of P443,511,649.81 was delivered during the year, leaving a balance of P438,400,085.69.”

Ang nakakalurkey dito, kahit na may mga hindi nai-deliver na supplies, nagbigay pa rin ng additional 267.975M pesos ang OCD sa Procurement Service ng DBM. 8 tseke ang na-issue ng OCD para sa pagbili ng mga nasabing non-food items gaya ng kutson, kumot, plastic sheets, cooking utensils, water containers, at hygiene kits. ZERO delivery para sa mga gamit na ito.

Noong 2016, hindi rin nai-deliver ang mga non-food items. 171.825M pesos ang hindi nai-deliver ng Procurement Service sa pagtatapos ng 2016. Noong isang taon, 1.868M pesos mula sa 171.825M na halaga ng non-food items ang nai-deliver.

Mga Hindi Nai-Deliver na Office Supplies

Mula April hanggang October 2017, 3.373M pesos ang na-order na office supplies. Ginawa ito ng OCD kahit na 338,428 pesos na halaga ng office supplies ang hindi nai-deliver noong 2016.

271,347,902.05 pesos ang nailipat na pondo ng OCD sa Procurement Service ng DBM noong 2017 para sa pagbili ng mga office supplies at non-food items na ipapamigay sa mga biktima ng kalamidad. Ito ay karagdagang halaga sa 172,163,747.76 pesos noong mga nakaraang taon.

Pumayag naman ang OCD na makipag-ugnayan sa Procurement Service para mabilis na mai-deliver ang mga na-order na items noong 2017. Ayon sa COA, kailangang isoli ng Procurement Service ng DBM ang mga halagang equivalent sa mga undelivered items.

Not a whiff of corruption, sabi ni Tatay Digong. Sa sobrang dami ng kamalasaduhan sa gobyerno, naging immune na ang ilong ni Digong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *