COA: NAPOLCOM ALLOWANCE PARA SA VITAMINS AT SUPPLEMENTS, ILEGAL!

Pati ba naman vitamins at supplements ng NAPOLCOM, pera ng  bayan ang ipinambabayad? Sinabi nang ilegal pero patuloy pa rin sila sa ganyang gawain. Duh?!

COA: Napolcom, tigilan nyo yang paggastos sa vitamins at supplements, oy!

Hinimok ng Commission on Audit ang National Police Commission (NAPOLCOM) na suspindehin ang pagbabayad ng mga dietary supplement allowance na nagkakahalaga ng 9.09M pesos sa mga opisyal at kawani, kasama na rin ang mga contractual employees, dahil sa wala itong legal na basehan.

Inirekomenda ng COA sa management ng NAPOLCOM na agarang itigil ang pagbabayad ng nasabing allowance hangga’t hindi ito awtorisado.

Hanggang sa huling araw ng 2018, gumastos ng 8.23M pesos ang nasabing ahensya ng pamahalaan para sa mga opisyal at empleyado nito. Samantala, 856,000 pesos naman ang ginastos nito sa vitamin allowance ng mga contractual at job order employees.

RELATED: COA TO GAB: WALANG BENEPISYO SA GOBYERNO ANG PAGPANOOD NG PACQUIAO-MATTHYSSE FIGHT

Ayon sa COA, ipinagbawal na nila ang ganitong gawain noong October 2017 pa base sa Audit Observation Memorandum nito.

Noong 2017, sinabi ng COA na office order lamang mula sa Vice Chairman at Executive Officer ng NAPOLCOM ang nag-approve ng nasabing dietary supplement allowance.

Ngunit, ayon naman sa NAPOLCOM, ang Preventive Health Care Program ng Civil Service Commission at sarili nitong Administrative Order 402 ang basehan ng pagbibigay ng nasabing allowance.

Ayon sa COA, ang nasabing AO 402 ay para lamang sa medical check-up program at di kasama ang gamot o dietary supplements.

Ganun din, ang pagbibigay ng pera para sa allowanace ay hindi kasama sa health care program ng Civil Service Commission.

Depensa naman ng NAPOLCOM, in good faith sila sa pagbibigay ng vitamin allowance at naniniwala silang may magandang benepisyo ito. Pero, nangako naman silang ititigil na ang nasabing allowance.

RELATED: Panelo: Kayo Naman! Frustrated Lang Si Duterte sa COA Dahil Sobrang Higpit!

2017 pa pala ipinagbawal ng COA ang pagbibigay ng vitamin allowance. Eh bakit hanggang 2018 eh nagbigay pa rin ang NAPOLCOM? Tahasang di pagsunod yan sa pinag-uutos ng COA di ba? Nangako naman na ititigil na. Abangan ang susunod na kabanata… kung susunod nga!

Source:

Roxas, J. (2019, June 11). COA tells Napolcom to stop giving millions in allowances for vitamins, supplements. Retrieved from GMA News: COA tells Napolcom to stop giving millions in allowances for vitamins, supplements