COA NADISKUBRENG WALANG PERA ANG MANILA PARA PAMBAYAD SA MGA PAGKAKAUTANG

Nagpapasimula pa lang ang termino ni Isko Moreno, walang pera ang Manila. 4.39B piso ang kailangang i-raise para bayaran ang kabuuang utang na 9.05B piso.

Manila kulang ng 4.3B piso, ayon sa COA

Ayon sa Comission on Audit, 5.36B piso lamang ang natira sa general funds ng Manila. Kulang ito ng 3.69B piso para bayaran ang 9.05B piso na pagkakautang at obligasyon nito.

Sa pagpapasimula ng termino ni Manila Mayor Isko Moreno, madidiskubre nyang kulang ng 4.39B piso ang pera ng munisipyo.

RELATED: MAS YUMAMAN PA ANG IMPERIAL MANILA SA PANAHON NI DUTERTE

Ayon sa annual audit report ng COA, ginastos na ng city government ang pera kahit di pa ito nakokolekta. Ito ay paglabag sa Local Government Code.

Maliban sa 3.69B piso na kakulangan sa perang pambayad sa pagkakautang, may mga karagdagang pagkakautang pa ang syudad dahil umutang ito sa pondo ng development fund at intra-agency accounts na dapat sana ay para sa mga tukoy na proyekto lamang.

Kasama sa karagdagang pagkakautang ang mga sumusunod:

Pagkakautang

Halaga ng Pagkakautang

Di nakatalang paggastos

345.94M

Paghiram sa pondo ng mga di pa naipapatupad na proyekto

95.41M

Paghiram sa 20% ng development fund ng syudad

18.51M

Kakulangan sa intra-agency accounts

247.15M

Kung susumahin, 4.39B piso ang kulang na pera ng city hall para ngayong taon.

Ayon sa COA, hindi sumunod ang City of Manila sa mga batas, panuntunan, at regulasyon. Ang kakulangan sa pera ang syang nagbubuyo sa lokal na pamahalaan para gastusin ang kita na di pa  nito hawak kaya mas lumalaki ang kakulangan sa pananalapi sa mga susunod na taon.

Ayon din sa COA, may mga withdrawals sa bank accounts ng lokal na pamahalaan pero di naman ito nakalista sa libro.

Bukod pa sa malaking pangangailangan sa pananalapi, hindi rin nasunod ng City of Manila ang ilang probisyon ng State Audit Code of the Philippines na nagbabawal na gastusin ang pondo ng gobyerno nang walang sertipikasyon mula sa tamang opisyal sa accounting.

RELATED: Mga Posibleng Solusyon Sa Lumolobong Krisis Sa Tubig Sa Metro Manila

Ayon sa COA, sa ilalim ng termino ni dating mayor Joseph Estrada, hinihiling lamang ng city budget officer na magbigay ng sertipikasyon ang city treasurer na mayroong available cash sa kanilang Work and Financial Plan.

Pagkatapos, hihiling naman ang city budget officer ng allotment para sa 4th quarter ng budget year na hindi tamang pamamaraan sa lokal na pamahalaan.

Inirekomenda ng COA na tigilan na ng city budget officer ang ganitong gawi. Ayon naman sa city budget officer, polisiya ito ng kanilang opisina na humingi ng sertipikasyon tungkol sa availability ng cash lalo na sa 4th quarter ng budget year para maiwasan ang cash deficit.

Ayon naman sa city treasurer, pangongolekta lamang ng buwis, fees, at iba pang charges ang kanilang pangunahing tungkulin at magbigay ng tseke sa mga naprosesong at na-approve na disbursement vouchers kapag may pera na available.

Ngunit, ayon sa COA, hindi naman ito ang dapat na isagot ng city treasurer hinggil sa kanilang mga nadiskubre. Kailangang kilalanin nya ang kanyang responsibilidad na kapag nagbigay sya ng sertipikasyon na mayroong perang available ay mayroon talagang actual cash para pambayad sa obligasyon.

Bangkarote ang lokal na pamahalaan ng Maynila. Mabuti na lang natalo na ang mga Estrada. Wag nang pabalikin sa pwesto… sa kahit anong pwesto sa gobyerno!

 

Source:

Chiu, P. M. (2019, July 8). Manila has cash deficit of P4.3B, says COA. Retrieved from Inquirer: Manila has cash deficit of P4.3B, says COA