COA to MTRCB: Nasaan ang mga Dokumento ng mga Paggastos?

COA to MTRCB: Nasaan ang mga Dokumento ng mga Paggastos?

Yung nag-board resolution sila para sa dagdag benepisyo para sa mga sarili nila?! Kapal ng mga feslak!

COA: MTRCB Board Nakatanggap ng 14M pesos bonuses, rice subsidies, travel allowances

Ayon sa COA report, nagkaroon ng board resolution na magbibigay ng dagdag na benepisyo sa halagang 5.2M pesos para sa mga board members ng MTRCB.

Ganun din, pinansin ng COA ang pag-release ng 2.3M pesos bilang monitoring allowance at rice subsidy sa mga opisyales at empleyado ng MTRCB. May 6M pesos traveling expenses din ang kinukwestyon ng COA.

Ang namumuno sa MTRCB ay ang dating Congresswoman ng Pangasinan at anak ng socialite and philantrophist na si Rosemarie “Baby” Arenas. Si Rachel Arenas ay hindi na tumakbo bilang congresswoman para magbigay daan sa kandidatura ng kanyang ina. Lumipat sila ng PDP-Laban, mula sa LP, noong 2016.

Kasama sa mga karagdagang benepisyo sa mga MTRCB board members ang mga gastusin para sa pag-monitor at review ng optical media. Kasama rin sa mga benepisyo ang mga incentives sa pag-attend ng mga review sessions na higit sa 10.

Ayon sa COA, hindi kasama sa functions ng board members ang monitoring activities sapagkat ito ay ginagawa na ng Monitoring and Inspection Unit.

Ganun din, ang rice subsidy at monitoring allowances ay naka-file bilang traveling expenses nang walang kaukulang supporting documents.

Para sa 2016, 21M pesos ang travel expenses ng MTRCB. 6M pesos dito ang monitoring expenses ng mga MTRCB special agents at board members.

Pinagsusumite ng COA ang MTRCB ng lahat ng dokumento para suportahan ang kanilang hiling para sa “Special Budget” para sa mga karagdagang benepisyo.

Napaka-enterprising talaga ng mga minions ni Duterte! Kumikitang kabuhayan, aba!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *