COA: 69M Infra Projects Hindi Nasunod ang Procurement Law ng Davao City

COA: 69M Infra Projects Hindi Nasunod ang Procurement Law ng Davao City

Hala! Pati Davao City kinukwestyon ng COA? Anyare nga ba?

Hindi Naaayon sa Procurement Law

Ayon sa COA, ang 69M pesos na infrastructure projects ay hindi umayon sa commitment ng gobyerno na itaguyod ang transparency ng mga aktibidades alinsunod sa procurement law.

Ayon sa COA, sinasaad ng procurement law na magkaroon ng malinaw na mga alituntunin sa bawat parte ng procurement process. Mayroon daw mga hindi sinunod ang Davao City. Kailangan daw ng pre-procurement conference para malaman ang kahandaan para maisakatuparan ang proyekto.

Nakasaad sa COA report na, “We observed, however, that the Minutes of Bids and Awards Committee (BAC) meetings, particularly the pre-procurement conferences, have no relevant information as to the discussion of the readiness of the procurement.”

May mga proyekto daw ang hindi natuloy dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Sabi ng COA, “They could have been avoided when properly addressed during deliberations with management officials and the implementing offices for the projects, to arrive at decisions advantageous to the government.”

Ayon naman sa Davao City government, sumunod daw sila sa rules, ngunit posibleng nagkamali lamang sila sa paghahanda ng minutes of pre-procurement conferences.

Nakakapagtaka lang. Matagal na yang procurement law. Bakit hanggang ngayon may mga hindi pa rin nasusunod na provisions nito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *