COA: Bakit Delayed ang Intramuros Project ng Department of Tourism?

COA: Bakit Delayed ang Intramuros Project ng Department of Tourism?

Thank goodness. Delayed lang. Ang magandang tanong: Kelan ipagpapatuloy ang proyekto?

Kinuwestyon ng COA ang Branding Campaign Project ng Intramuros

Ayon sa 2017 COA report para sa Intramuros Administration, ang proyekto ay nagsimula noong January 18, 2016, kung saan nailipat na ang pondo. Ang delays daw ay dulot ng mga pagbabago sa branding campaign. Inaasahan ng proyekto na makakaengganyo ito ng mga panibagong tourism investments para sa lugar.

Ayon sa COA,

“The IA’s branding campaign project entitled ‘Promise and Possibilities in Intramuros’ with total budget of P18 million sourced from the fund transfer of Department of Tourism in CY 2016 remained unimplemented, with only P450,112.19 or 2.5 percent of the budget utilized as at year-end, due to the late preparation of the revised project components, design and concept of materials to be produced, and required documents for procurement process.”

Noong October 6, 2017, naaprubahan ang mga pagbabago sa promotional project. Kasama sa pagbabago ang pagkakaroon ng:

  • Walking tour brochures and maps/guides – 2M pesos
  • Online Campaign through AVP presentation – 3M pesos
  • Branding materials like markers and signages – 4.5M pesos
  • Special projects and events – 6.83M pesos
  • Other print materials – 765,887 pesos

Ayon sa report ng COA, “Verification of records showed, however, that as at year-end, only P450,112.19 or 2.5 percent of the budget was utilized, leaving an unused balance of P17,549,887.81.”

 

Napag-alaman ng COA na nagpalabas ng pera para sa mga sumusunod:

  • 30 memo pads with Intramuros Administration logo – 5,636 pesos
  • 6 boxes envelopes and bondpapers with Intramuros Administration logo – 144,475 pesos
  • Exhibit “El Museo Del Prado En Filipinas” – 300,000 pesos

Ayon sa COA, kasisimula pa lamang ng creative process at paghahanda ng mga dokumento para sa procurement process noong 4th quarter ng 2017. Wala rin daw OIC o focal person na mamamahala para sa project implementation at monitoring.

Pumayag na raw ang management ng Intramuros Administration na bumuo ng isang team para siguraduhing maisagawa ang proyekto nang buo at maayos.

Wala namang problema kung lehitimo ang dahilan ng delay. Importante lamang na nailagay ang pondo sa tamang pagkakalagyan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *