Cayetano: Nasaan na nga ba ang 1B pesos OFW Fund?

Cayetano: Nasaan na nga ba ang 1B pesos OFW Fund?

Lumipad at dumapo po yata sa bulaklak ng kalachuchi?!

Kinukwestyon ni Bruce Rivera kung saan napunto ang 1B pesos pondo para sa mga OFWs

Ayon kay Rivera, may lumapit sa kanyang mga diplomat mula sa Asya, Europe, at Amerika para sabihing wala na silang magamit na pondo mula sa Assistance to Nationals o ATN.

Sa ilalim ng rehimeng Duterte, ginawang 1B pesos ang pondo mula sa 400M pesos. Ganun din, naglaan ng 200M pesos para sa legal assistance ng mga OFWs. Ang pagtataas ng pondo ay ibinida ni Duterte sa kanyang pangalawang SONA.

Ayon kay Rivera, hindi nagkulang ang pondo sa mga dating pamunuan ng Department of Foreign Affairs. Ngunit, nakakapagtakang nagkukulang pa rin ang 1B pesos na inilaan sa ATN ngayon. Mayroon din daw ilang OFW ang nagrereklamo sa kawalan ng tulung ng DFA.

Noon daw 1st quarter ng kasalukayang taon, halos 1/3 ng ATN fund ang naubos para sa repatriation ng mga OFWs galing Kuwait. Ayon kay Rivera, kung talagang ginamit ang pondo para sa mga OFW sa Kuwait, bakit nagrereklamo ang ilang diplomat?

Misteryosong Pagkawala ng Assistance to Nationals Fund

Sa mga dating administration, ang Assistance to Nationals Fund ay ginagastos para sa pagpapauwi ng mga OFWs, at para na rin sa mga gastusin sa medical, legal, at security. Noon, ang 400M fund ay hindi nauubos at kelangang pang maghanap ng mga OFWs na matutulungan na gamit ang pondo.

Noon daw isang taon, isang OFW ang namatay sa Laos na nag-iwan ng malaking utang sa medical bills. Lumapit ang mga kaibigan at kaanak ng OFW na ito para tanungin kung maaaring gamitin ang ATN para bayaran ang medical bills. Ngunit, sinabihan sila na hanggang US$5,000 lamang ang pwedeng gugulin ng ahensya para sa medical expenses ng isang OFW.

Sinabihan silang “ingrates” at “self-entitled” sa social media ng isang opisyal ng DFA nung tinanong ng mga kaanak at kaibigan ng OFW kung ano ang protocol sa paggamit ng ATN funds. Ang head ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ay dating Chief of Staff ni Cayetano sa Senado.

Ayon kay Bruce Rivera, “Mind you, that is the same complaint in four other consular posts, that is, the ATN funds that have suddenly become smaller when it is the same amount allocated every year. In fact, many diplomats learned that even during the first quarter, 1/3 of the ATN funds have already been used up.”

Ayon kay Rivera, wala namang problema kung ginastos ng DFA ang ATN sa pagpapauwi ng mga OFWs mula Kuwait. Ngunit, kailangang magbigay ng lohikal at makatotohanang paliwanag si DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

Ano Pilipinas, kaya pa ba?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *