CAAP Insurance Kinuwestyon ng COA

caap insurance

COA nadiskubreng may 500M pisong CAAP insurance ang 10 opisyales na tax ng taumbayan ang nagbabayad.

COA kinuwestyon ang 500M pisong CAAP insurance

Ayon sa mga state auditor, kumuha ng 500M pisong insurance policy ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa 10 nitong opisyal.

RELATED: COA to CAAP: Bakit Di Natapos ang 15 sa 16 Infra Projects Noong 2017?

Walang approval ang Board at wala ring malalim na pag-aaral bago kumuha ng insurance policy. Ganun din, walang sapat na panuntunan sa pagkuha ng insurance para sa mga opisyal nito.

Walang Approval ng Board of Directors

Noong July 2017, nagpalabas ng sertipikasyon ang corporate board secretary na si Atty. Victor Eleazar na pinapayagan ang pag-invest ng pondo nito sa special savings, time deposit, at trust accounts.

Hindi tinutulan ng Board of Directors ang pag-present ng Cocolife insurance placement noong December 13, 2018. Dahil dito, approved na raw ang nasabing inisyatibo.

Ngunit, ayon sa COA, wala namang pinirmahang board resolution na nag-approve sa nasabing insurance.

Hindi rin binanggit sa minutes of the meeting noong December 13 kung anong aksyon ang gagawin sa insurance placement dahil ang presentation ng proposed investment insurance ay para lamang sa kaalaman ng board. Hindi naman humingi ng approval para rito.

Isang araw matapos ang board meeting, inilipat na ang 500M pisong pondo ng CAAP sa savings account ng Cocolife.

Kulang sa pag-aaral

Ganun din, hindi kasali ang CAAP insurance para sa 10 opisyal sa binigyan ng awtorisasyon ng corporate board secretary.

Ayon sa COA, mas kikita pa ang pondo ng 113% kung inilagak ang pera sa Treasury bonds o 110% kung inilagay naman sa Treasury bills.

Sa paglalagak ng pondo sa insurance ng 10 opisyal, mas maliit ang posibilidad na lumago pa ang pera.

Kwestyonableng pagpili sa insurer para sa CAAP insurance

30 opisyal ng CAAP ang kumuha ng medical exam para malaman kung pwede silang ma-insure ng Cocolife at 10 opisyal lamang ang napili nito.

Ayon sa COA, masyadong malawak ang depinisyon ng “key men” ng CAAP para sa insurance kaya kahit hindi naman importante o kritikal ang responsibilidad ay kasali sa “key men” gaya ng mga sumusunod:

  • Corporate secretary
  • Executive officer of the Office of the Director General
  • Area Center Manager
  • Head of the Finance Department

May pagdududa na ngayon kung ano ang layunin ng CAAP  management para ikuha sila ng insurance.

Dalawa sa 10 opisyal na napiling i-insure ay mga political appointees ni Duterte. Ibig sabihin, kapag tapos na ang termino ng Pangulo, tapos na rin ang termino ng dalawang opisyal na ‘to.

Non-transferable ang insurance. Ibig sabihin, kapag wala na ang dalawang political appointees sa CAAP, awtomatiko ang withdrawal pero may charges na ipapataw ang insurer.

Kung papalitan ang “key men”, panibagong insurance na naman.

RELATED: Bakit Kelangang Mag-refuel ang Chinese Military Plane sa Davao City?

Hinimok ng COA ang CAPP na bawiin ang 500M pisong ibinayad sa Cocolife at ilagak na lamang ang pondo sa government securities kung saan mas maliit ang risk at malaki ng kita. Ganun din, bumuo ng grupo na syang mangangalaga ng investments.

Ano naman ang pumasok sa kukote ng mga ‘to, aber?! Investment ang 500M pisong CAAP insurance sa 10 opisyal? Huh?!

Source:

ABS-CBN News. (2019, August 18). Auditors flag P500-million insurance for 10 CAAP execs. Retrieved from ABS-CBN News: Auditors flag P500-million insurance for 10 CAAP execs