Bato Dela Rosa Sabit sa GCTA Din Pala

bato dela rosa

Senador Bato dela Rosa, dapat din palang imbestigahan dahil sa GCTA.

Bato dela Rosa humiling ng kapangyarihang makapagpalaya ng mga preso

Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatanggap sya ng liham mula sa Bureau of Corrections (BuCor) noong 2018 na humihiling ng kapangyarihang palayain ang mga nasa piitan.

RELATED: Bato Dela Rosa may Foot-In-Mouth Disease!

Sa ika-apat na pagdinig sa Senado tungkol sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, sinabi ni Guevarra na humiling si Bato na syang BuCor chief noon ng kapangyarihang palayain ang mga nakakulong.

Ayon kay Guevarra, ngayon lang nya nalaman na may sulat pala. Humiling si Dela Rosa, bilang director general ng BuCor, ng awtoridad na magpalaya base sa Department of Order 953.

Pinirmahan ang DO 953 noong November 2015 at ang sinasabi doon na ang DOJ Secretary lamang ang may pinal na awtoridad na magpalaya ng mga preso na may sentensyang pang-habambuhay na pagkabilanggo.

Ang hepe ng BuCor ay pwede lamang magpalaya ng mga presong may expired sentence at kelangang ipagbigay alam din sa DOJ Secretary.

Di naman inaksyunan ni Guevarra ang sulat.

Inamin din naman ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na hindi sya humiling ng awtorisasyon mula sa DOJ Secretary nang iniutos nyang palayain ang mga Chinese drug convicts, mga convicts sa murder case ng Chiong sisters, at ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Ang GCTA law ay naipasa noong 2013 at naging sentro ng kontrobersya nang isapubliko ng DOJ ang pagpapalaya kay Antonio Sanchez dahil ang desisyon ng Korte Suprema ay retroactive ang application ng batas.

Sinuspinde na ng DOJ ang pagpapalaya sa mga nakapiit sa kulungan na nakabatay sa GCTA matapos magalit ang publiko. Nagsusulong din ang mga mambabatas na amyendahan ang nasabing batas.

Nang tinanong si Bato kung bakit sya sumulat sa DOJ at humiling ng awtorisasyon, sinabi nyang, “Because we are the ones being charged criminally by the PDLs for failure to release them on time and not the DOJ.”

Ignorant Faeldon di alam na kailangan ng permiso ng DOJ sa pagpapalaya ng mga convicts

Ayon naman sa sinipang dating BuCor Chief na si Nicanor Faeldon, hindi nya alam na kailangang humiling ng approval mula sa DOJ para magpalaya ng mga nasa kulungan.

Maliwanag ang paglabag ni Faeldon sa DOJ Order 953 na ipinalabas noong 2015.

Ayon naman sa hepe ng legal division ng BuCor na si Fredric Anthony Santos, sinabihan nya si Faeldon hinggil dito ngunit di nya matandaan kung kailan nya sinabi.

Itinanggi naman ni Faeldon na sinabihan nga sya ni Santos.

Nadiskubre ng mga senador na mayroong nangyayaring bentahan ng GCTA sa loob ng kulungan para sa mga presong nais makalaya.

Ayon kay Senator Dick Gordon, maliwanag na di alam ni Faeldon ang trabaho nya bilang hepe ng BuCor at nagdududa rin sya kung talagang hindi alam ng dating BuCor chief ang tungkol sa DO 953. Madalas kasing nag-uusap sina Faeldon at Santos hinggil sa mga isyung legal at teknikal sa nasabing ahensya.

Ayon naman kay Santos, hindi na humiling ng permiso ang BuCor sa DOJ sa pagpapalaya ng mga nasa piitan dahil sa mayroon ng Bureau of Corrections Act of 2013. Para sa kanya, napawalan na ng saysay ang DO 953 dahil dito.

Bato dela Rosa nagpalaya ng 120 preso dahil sa GCTA law

Ayon sa senador, mga 120 presong convicted dahil sa heinous crimes ang kanyang napalaya dahil sa GCTA noong sya’y hepe ng BuCor.

Puro heinous crimes diumano ang kanyang napalaya nang sya ay BuCor chief mula April – October 2018.

Nang tanungin sya kung ano ang ginawa nya para mapigilan ang pagpapalaya ng mga convicts, sinabi nyang, “Ano magawa ko? Sinasabi ng batas na kailangan sila makalabas.”

RELATED: Bato Dela Rosa: Anong Klaseng Parent Ka?

Ayon sa datos ng Bucor nakapagpalaya na sila ng mga may kasong:

  • 797 murderers
  • 758 rapists
  • 274 robbery with violence or intimidation
  • 48 drugs
  • 29 committed parricide
  • 5 kidnapping with illegal detention
  • 3 destructive arson

Maliwanag ang pagkakamali nina Bato dela Rosa at Nicanor Faeldon. Ang tanong: mapaparusahan kaya sila? Malamang hinde.

 

Sources:

ABS-CBN News. (2019, September 3). Bato says released around 120 heinous crime convicts during BuCor stint. Retrieved from ABS-CBN News: Bato says released around 120 heinous crime convicts during BuCor stint

Ager, M. (2019, September 9). DOJ chief: ‘Bato’ eyed BuCor authority to release convicts. Retrieved from Inquirer: OJ chief: ‘Bato’ eyed BuCor authority to release convicts

Placido, D. (2019, September 9). Faeldon unaware of DOJ order requiring clearance for inmates’ release. Retrieved from ABS-CBN News: Faeldon unaware of DOJ order requiring clearance for inmates’ release

Rey, A. (2019, September 9). Bato dela Rosa eyed power to release convicts as BuCor chief – Guevarra. Retrieved from Rappler: Bato dela Rosa eyed power to release convicts as BuCor chief – Guevarra