Bakit Lahat ng Dokumentong Kelangang Pirmahan ni Cesar Montano ay Dumadaan sa Isang Ronnie Albao?

Bakit Lahat ng Dokumentong Kelangang Pirmahan ni Cesar Montano ay Dumadaan sa Isang Ronnie Albao?

Teka! Sino ba si Ronnie Albao ha?

Piso Lang ang Bayad ng Tourism Promotions Board Pero Bakit Ganern Ka-powerful si Ronnie Albao?

Si Ronnie Albao ay tumatayong chief of staff ni Cesar Montano sa isang unofficial na kapasidad. Ngunit, ayon sa Rappler, sya ang nagpapatakbo ng Tourism Promotions Board.

Ayon sa source ng Rappler, ang lahat ng dokumento na kailangang pirmahan ni Cesar Montano ay dapat dumaan muna kay Ronnie Albao.

Ang dating chief of staff ni Cesar ay si Cliff Mendoza na pamangkin ng asawa ng kapatid nyang si Rommel. Nung nalipat si Mendoza sa ibang unit, naging chief of staff naman ni Cesar ang kanyang kapatid na si Rommel.

Noong ma-appoint si Cesar sa Tourism Promotions Board, kasama nya si Rommel bilang co-terminus employee. Umeksena si Albao sa TPB noong March 2017 bilang consultant. At that time, nagsampa ng reklamo ang mga empleyado ng TPB laban kay Montano dahil sa diumano’y maanumalyang paggamit ng pondo ng ahensya. Simula noon, si Albao na ang pinapinagkakatiwalaan ni Cesar sa TPB.

Sa nakuhang kontrata ng Rappler, nakasaad doon na isang consultant si Albao para sa general support at technical services. Nakasaad doon na piso lamang ang bayad ng TPB kay Albao kapalit ng kanyang technical knowledge, training, at experience.

Ayon sa source ng Rappler, si Albao ay uma-attend ng meeting para kay Cesar, nag-approve ng deals na popondohan ng ahensya, at nag-uutos din sa mga empleyado. Si Albao din diumano ang nagdidikta kung magkanong pondo ang i-assign para sa sponsorship deals.

Sino si Ronnie Albao?

Si Ronnie Albao ay isang dating executive assistant sa opisina ni Gloria Arroyo noong ito’s Bise Presidente pa lamang. Ang kanyang pangalan ay Ranulfo Albao.

Noong Vice President si GMA, in-appoint syang Executive Assistant IV noong September 1998. Ngunit, di ito pinayagan ng Civil Service Commission dahil inakusahan syang hindi tapat at nandaya ng mga dokumento para palabasing pasado sya sa board exam ng engineering.

Kinuwestyon ng Civil Service Commission ang pagpabor ng Court of Appeals kay Albao sa Korte Suprema. Noong 2005, nag-decide ang Korte Suprema pabor sa Civil Service Commission.

Maliban sa hindi makatotohanang credentials, inakusahan din si Albao sa maling paggamit ng kanyang posisyon. Noong 2003, nakialam sya sa appointments at mga desisyon ng DPWH. Ginamit nya ang koneksyon nya sa Malacañang para magbenta ng raffle tickets sa mga opisina ng DPWH. Ang pera mula sa raffle tickets ay gagamitin umano sa pagtatayo ng isang simbahan na hindi naman naisakatuparan.

Bakit Pinapayagan ni Cesar Montano ang Pakikialam ni Ronnie Albao?

Ayon sa bubwit ng Rappler, posibleng may konek ang pakikialam ni Albao sa planong pagtakbo ni Cesar sa election next year. Ang koneksyon ni Albao okay GMA ay makakatulong sa political career ni Montano.

Ang powerful ni Kuya Ronnie ha? Lumalabas na tau-tauhan lang talaga si Cesar sa TPB. Juskelerd.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *