Bakit Hindi Kinakasuhan ni Duterte ang mga Tinanggal Nyang Corrupt na Opisyales?

Bakit Hindi Kinakasuhan ni Duterte ang mga Tinanggal Nyang Corrupt na Opisyales?

Bakit nga ba sanrekwang korap na ang tinanggal sa pwesto pero hindi naman nakakasuhan?

Roque: Hindi si Duterte ang Dapat Magpasimula ng Imbestigasyon sa mga Corrupt Officials

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “It’s the Ombudsman that has primary jurisdiction…. This should be asked of the Ombudsman!”

Dagdag pa ni Roque, “The filing of cases for the officials the President has fired is under the exclusive jurisdiction of the Ombudsman. Don’t you understand that? At a certain salary grade, it is the Ombudsman who must investigate.”

Teka lang. So, hugas kamay na si Duterte, matapos nyang tanggalin sa pwesto ang mga sarili nyang appointees? Pwede naman magpasimula ng reklamo ang Malacañang para mapasimulan ng Ombudsman ang imbestigasyon.

Teka lang ulit. Para saan pala ung Presidential Anti-Corruption Commission? Hindi ba pwedeng sila ang mag-file ng reklamo para maimbestigahan ang tinanggal ni Digong na mga corrupt officials?

Naglabas ang Rappler ng Listahan ng mga Natanggal na Opisyales dahil sa Corruption Ngunit Di Nakasuhan

Ang mga sumusunod ang mga government officials ni Duterte na involved sa corruption:

Peter La Viña – Dating hepe ng National Irrigation Administration na natanggal sa pwesto dahil sa diumano’y paghingi ng 40% commission sa mga proyekto ng NIA sa mga rehiyon.

Ismael Sueño – Dating DILG Secretary na natanggal sa pwesto dahil sa diumano’y pagkakaroon ng hotel sa South Cotabato at mga trucks para sa kanyang family business, pagpapadali ng pagbili at pag-deliver ng mga Austrian trucks na mas mahal kesa sa iba, at pagtanggap ng suhol galing sa mga gambling lords.

Jose Vicente Salazar – Dating Chairman ng Energy Regulatory Commission na natanggal dahil sa simple at grabeng pagloloko na may elemento ng korapsyon.

Gertrudo de Leon – Dating Budget Undersecretary na natanggal dahil sa diumano’y pag-aalok ng pag-increase ng budget allocations sa mga ahensya ng gobyerno kung makakatanggap sya ng cut or commission.

Dionisio Santiago – Dating Chairman ng Dangerous Drugs Board na natanggal sa pwesto dahil sa kanyang magarbong travels sa ibang bansa.

Terry Ridon, Manuel Serra Jr., Joan Lagunda, Melissa Aradanas, at Noel Indonto – Mga dating chairman at commissioners na natanggal dahil sa magagarbong trips abroad.

Elba Cruz – Dating Presidente ng Development Academy of the Philippines na natanggal sa pwesto dahil sa sobrang daming trips

Marcial Amaro III – Dating Administrator ng Maritime Industry Authority na natanggal dahil sa excessive trips

Patricia Licuanan – Dating Chairperson ng Commission on Higher Education na natanggal dahil sa excessive trips at sa hindi raw agarang pagre-release ng mga allowances ng scholars.

Jose Gabriel “Pompee” La Viña at Amado Valdez – dating commissioner at chairman ng Social Security System na natanggal dahil sa pag-abuso ng pondo ng gobyerno.

Dominador Say – Dating DILG Undersecretary na natanggal dahil sa corruption na may kinalaman sa mga aktibidades ng mga labor recruiters.

Bam Aquino: Mixed Signals ang Ipinaabot ni Duterte sa Kanyang Laban Kontra Katiwalian

Ayon kay Senator Bam Aquino, “The president is sending mixed messages again, this time on the issue of corruption.”

Dagdag pa ni Bam, “There is a clear double standard in the continuous recycling of officials involved in anomalies such as Nicanor Faeldon, Jason Aquino and others.”

Si Faeldon ay nag-resign bilang hepe ng Bureau of Customs matapos madiskubre ang bilyong-bilyong halaga ng illegal drugs na nakapasok sa bansa. Ngunit, na-appoint sya bilang Deputy Administrator ng Office of the Civil Defense noong December 2017.

Si Jason Aquino ay Administrator ng National Food Authority na umani ng kritisismo dahil sa pagke- create ng panic na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng bigas. Ngunit, hindi tinanggal sa pwesto si Aquino, bagkus natanggal pa si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. sa NFA Council.

Tungkol naman sa pagkaka-reappoint ni Pompee La Viña bilang Tourism Undersecretary, ayon kay Roque, “As I said, it is a presidential prerogative. I don’t really have to explain, justify an act which is inherently executively nature and subject absolutely to the president’s discretion.”

Ganun din, na-reappoint din ang pinsan ni Honeylet na si Melissa Aradanas bilang Deputy Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Kung talagang seryoso si Duterte na labanan ang katiwalian sa gobyerno, bakit nya nire-reappoint ang mga taong tinanggal sa pwesto dahil sa isyu ng korapsyon? Bakit hindi nakakasuhan ang mga corrupt officials?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *