Appointment ng Pinsan ni Honeylet, Hindi Nepotismo Pero Moral Ba?

Appointment ng Pinsan ni Honeylet, Hindi Nepotismo Pero Moral Ba?

Sabi sa Business Law class ko dati, all moral rights are legal rights, but not all legal rights are moral rights. Case in point: Dr. Melissa Avanceña Aradanas

To be fair, matagal na ang pinsan ni Honeylet sa Philippine Commission for the Urban Poor. Un nga lang, naging Commissioner sya nung naupo na si Duterte bilang Pangulo. Naitalaga syang Commissioner ng PCUP noong August 8, 2016.

Source: Inquirer

Dr. Melissa Avanceña Aradanas Natanggal sa Pwesto

Pero kung matatandaan nyo, tinanggal sa pwesto ni Duterte ang lahat ng commissioners ng PCUP at kasama dun ang pinsan ni Honeylet.

Sabi ni Digong sa isang panayam noong Christmas Party para sa Malacañang media, “Pati siya tinanggal ko, but I told my wife, ‘You call your cousin and say, alis sila.’”

Dr. Melissa Avanceña Aradanas Itinalagang Deputy Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)

Naknamtinapa talaga! Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang panayam, tinanggal ni Duterte ang lahat ng commissioners ng PCUP dahil hindi pa ito nagmi-meeting as one collegial body at notorious ang mga commissioners sa junkets abroad. Dagdag pa ni Roque, “This kind of work performance has no place in the Duterte administration.”

Ganun naman pala. No place in the Duterte administration PERO bakit ibinalik sa gobyerno ang pinsan ni Honeylet?

Bukod kay Dr. Melissa, isa pang pinsan ni Honeylet ang nasa gobyerno ni Duterte. Si Jhopee Avanceña ay head ng Internal House Affairs Office sa Malacañang.

Hindi Naman Kasi Nepotismo ang Appointments sa mga Pinsan ni Honeylet

Maging si Duterte, alam nyang hindi naman nepotismo un. Gaya ng sinabi nya, “Forget it, we are not married. It does not apply. Only when you are married. At saka malayo na.”

Ano ang Nepotismo at Anong mga Batas ang Nagbabawal ng Nepotismo

Administrative Code of 1987

Book V, Title I(A), Chapter 8, Section 59 – ipinagbabawal ang pag-appoint ng mga kamag-anak sa anumang pwesto sa gobyerno. Ngunit, ang pagbabawal ay hanggang 3rd degree of consanguinity at affinity lamang. Ibig sabihin, hanggang pamangkin, at tiyuhin at tiyahin lamang.

Local Government Code of 1991

Section 79 – Ang pagbabawal sa pag-appoint ng kamag-anak ay hanggang 4th degree of consanguinity or affinity. Ibig sabihin, hanggang first cousin or first cousin-in-law. Kung mag-asawa sana sina Digong at Honeylet, posibleng pasok sa nepotismo ang appointments ng mga pinsan ni Honeylet. Kaso, hindi nga sila kasi mag-asawa.

Oo nga pala. Hindi kasama sa rules on nepotism ang mga guro, mga doktor, mga military, mga scientific at technology personnel sa ilalim ng RA 8439, at mga confidential positions gaya ng drayber, private secretary, executive assistant, at administrator (provincial/city/municipal).

Walang nalalabag na batas sa pag-appoint ng mga pinsan ni Honey. Ang tanong lamang kasi is that “IS IT A MORAL THING TO DO?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *